CHAPTER 03

606 51 1
                                    

Warning.

Days passed, and nothing change. Hindi pa din tumatahimik ang buhay ko. Pumapasok ako na parang celebrity. They are all keeping their eyes on me. Yun nga lang mas madami ang haters.

May mga tao din naman na gusto sakin sadyang mas madami lang ang ayaw. Pero those people na gusto ako, they just want to be friends with me para mapalapit kay andreious.

Grabe mga tao dito sa school. Napakaka iiissue. Nanahimik ang tao iiissue. Wala ba silang magawa sa buhay? Kung bored sila bakit kaya hindi nila itry maglakad gamit ang kamay?.


As of now, naglalakad ako papunta sa classroom. Nakakapanibago lang kasi madalas inaantay ako ng dalawa sa may gate pero ngayon wala sila. Nasa may tapat na ako ng classroom at akmang papasok na.

"Omygee! Sister in law is thatt youuu?!" nagulat ako ng may humigit ng braso ko. She is the girl in the mall! Yung kasama ni andrei.

Dahan dahan kong binawi ang braso ko at sunod sunod na umiling sakanya.

"No, im not your sister in law" i said. " i dont have a boyfriend"

"Hindi ako pwedeng magkamali ikaw yun eh!" Tinuturo turo niya pa ako habang sinasabi yun. Kinuha niya sa bag ang cellphone. Tinitignan ko lang siya habang kinakalikot yun.

"Hindi po, pasensiya na. Una na po ako" pagpapaalam ko sakanya pero agad siyang umiling. Alangan namang titigan ko lang siya dito buong oras.

"Stay here!"

"What?"

"I said stay" sabi niya habang may kinakalikot sa cellphone. Kahit labag man sa loob ay hindi ako umalis. Kahit papaano ay senior siya saamin kaya kailangan galangin. Hindi naman ako pinalaki ng magulang kong bastos pero inaamin ko na bastos ako sa taong bastos din sakin. They doesn't deserve any respect, after all.


Ilang minuto ang lumipas ay nagulat ako ng bigla kong matanaw si andrei.


"He's here! Siya yung boyfriend mo hindi ba?" Tanong niya at Iling lang ang naisagot ko.


"Ate! What are you doing here? Sa kabilang building mo bakit nandito ka? Naligaw ka na naman ba?." Sunod sunod na tanong ni andrei sa ate niya ng makalapit siya saamin. Umiling ito at tinuro ako.


"I met your girlfriend, isn't she adorable?" Napakamot sa batok  si andrei at pilit na ngumiti.

"Ate naman! Nakakahiya sa girlfriend ko oh. Bigla bigla ka nalang pumupunta dito. You'll meet her more some other time, but not now." He said and look at her watch.
" look! You're subject will start any minute now, let's go" sabay hila niya sa ate niya. Nagpaalam lang saakin ang ate niya at umalis na sila. Nakatingin lang ako sa likod nilang dalawa habang naglalakad sila paalis pero hindi ko inaasahan na haharap si andrei na ngiting ngiti at nagflying kiss pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pumasok na ako.

Pagkapasok ko ng classroom ay ramdam ko ang pagiiba ng atmosphere. Ansasama ng tingin nila saakin at karamihan doon ay babae.  Hindi ko nalang sila pinansin at umupo na sa upuan ko. This time dapat tinatadtad na ako ng tanong nila casey pero ngayon ni magtapon ng tingin saakin ay hindi nila magawa.

Dumating na ang lecturer namin pero nakatingin lang ako kay casey at aki na ngayon ay nagtatawanan. I kinda feel sad to feel this kind of feelings again, yung parang nagiisa ka lang sa buhay at walang nagkakainteres sayo. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at pinipilit na makinig sa sinasabi ng lecturer.

Ilang oras pa ang lumipas ay break time na namin ngayon, hindi nila ako inaya so i will eat by myself. Kinuha ko ang bag ko at naglakad lakad nalang dito sa campus. Sa pagiisip ay hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa school garden. Tahimik,maaliwalas. Umupo ako sa ilalim ng puno na nakita ko at inilabas ang packed lunch ko. Hindi pa naman lunch break pero kadalasan ganito ang ginagawa ko para makatipid. Nagbabaon ako tapos hahatiin ko yun para sa break time and also lunch time.

What he really Meant?Where stories live. Discover now