Date?
Tatlong araw na ang nakakalipas ng pumayag akong maging girlfriend ni andrei. At tatlong araw na din siyang laging nakadikit saakin. Lagi siyang maagang pumupunta sa bahay para sunduin 'kuno' ako. Para ngang dito na din siya natutulpg sa sobrang aga niyang mambulabog eh.
Hindi naman niya ako matawagan o matext dahil nga wala akong cellphone pero gumagawa siya ng paraan para makipag communicate saakin kahit wala siya. Ginagawa niyang messenger si manang delta. Text mate na silang dalawa eh. Agad akong napalingon sa may pinto ng bumukas yun.
"Anak, andyan na yung nobyo mo" ngiting ngiti na sabi ni manang.
"Hindi ko siya nobyo" sabi ko at yumuko ulit para ipagpatuloy ang pagsisintas ng sapatos ko.
"Sabi mo eh" sabi niya at naramdaman ko ang paglabas niya. Tumayo na ako at lumabas na.It's already 8 in the morning. Medyo nakakasanayan ko na din ang pag gising ng ganitong kaaga dahil kay andrei.
"Flowers for you" salubong niya saakin. Tinignan ko lang siya. "Ayaw mo ba? Maganda naman ah"
"Hindi ako mahilig sa bulaklak" sabi ko, kita ko ang pagwala ng saya sa mukha niya saka siya yumuko.
"Sayang mahal pa naman neto, tapos sabi nung tindera ito na daw ang pinakamagandang bulaklak dun. Hayst sayang yung pera ko."
"Kinokonsensya mo ba ako?" Taas kilay na tanong ko. He giggled and look at me.
"Nakokonsensya ka ba?" inirapan ko nalang siya at kinuha ang bulaklak na bigay niya. Nilapag ko yun sa sala at lumabas na ng bahay. Sumakay na ako sa driver's seat ng kotse niya. Gusto ko lang magdrive. Pero kahit nagtataka ay ngiting ngiti pa din na umupo si andrei sa passenger seat.
"Mukha kang asong ulol" i told him. He just looked at me without breaking the smile on his face.
"Masama ba maging masaya?"
"Oo lalo na kung ako ang dahilan" i seriously told him. "Baka mamaya diyan totoo na yang pag papanggap mo ah. Naku! Bahala ka"
Sumeryoso siya, at tinitigan ako. Diretso lang ang tingin ko sa kalsada pero ramdam na ramdam ko ang titig niya. It's making me uncomfortable.
"Paano nga pag totoo na?" mahinang sabi niya pero sapat na sabi niya.
"Hindi ko alam,i think we need to end this" i told him, and suddenly he burst into laughter.
"Babe naman! Wala sa mga plano ko ang magkagusto sayo, pero kung gusto mo ayos lang naman na idagdag ko." hindi ko na siya pinansin at nagdrive nalang.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" bored kong tanong.
"Trying to change the topic?" sumilay ako ng masamang tingin sakanya na magnagpatawa sakanya. Im not in the mood for his jokes.
"Sabi ko nga titigil na." ilang sandali pa ay inilagay na niya ang cellphone niya sa phone holder ng sasakyan na ito. Nakalagay na yun sa waze kaya susundan ko nalang. Grabe naman to, magaaya lang ng date kailangan malayo? Pwede namang sa mga mall nalang.
YOU ARE READING
What he really Meant?
RomansaAndrious Ignasio is the type of guy who can make any girl fall in love with him in an instant. But what if you were the only one who didn't like him, and he became interested in you and began to be by your side whenever you needed him, while you beg...