[Part 2 of 2] Wait for me, I'll be forever with you

3.5K 183 99
                                    

"Grabe, pare! tulala nanaman? Memorable ba pinto sa'yo pre? HAHA"

"Paano namimiss niya na! Puntahan mo na kasi at dalhan mo ng roses. Malamang ay matutuwa yun!" panunuya ng mga kaibigan ko sa'kin.

Oo. Nilunok ko lahat ng mga sinabi ko na imposible ko siyang mahalin dahil, ang totoo si Roxanne ang klase ng babaeng madaling mahalin at kung magmahal ay todo at ibibigay niya sa'yo ang lahat.

Noon galit na galit ako sa lahat ng sweet gimmicks niya. Ngayon, tuwing naaalala ko ay sobra akong natutuwa. Pwede na ngang humiga nalang ako sa kama buong araw at alalahanin lahat ng mga ginawa niya para sa'kin. Sigurado akong hindi ako magsasawang balik-balikan ang mga eksena.

Bumaling ako sa aking mga kaibigan, "Alam niyo mga 'tol, tama kayo eh. Puntahan ko na kaya siya? Malamang miss na rin ako noon."

"Oh, eh, Ano pang ginagawa mo? Umalis ka na!"

"Osya! Kayo na bahala kay Ma'am ah! Alam niyo na sasabihin?" kinindatan ko sila.

"OO na, oo na! Sasabihin namin sobrang namiss ang minamahal kaya hindi makapag-isip ng matino at tulala kaya nahimatay?"

"Sira! Yung matino. Maiwan ko na kayo," at dire-diretso na akong umalis.

Magkikita na ulit tayo Roxanne. Alam kong miss mo na ako.

Dumaan ako sa isang flower shop, at bumili ng paborito niyang red roses. I also bought her favorite carbonara pasta.

Maski ako hindi ko inakala na mahuhulog ako sa babaeng kinaiinisan ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula lumambot ang puso ko para sakanya pero, isa lang ang alam ko, mahal ko siya. Ay! Hindi! Mahal na mahal ko na pala siya. At alam ko sa pagbisita kong ito, matutuwa siya.

Biglang tumunog ang aking cellphone. Inabot ko ito at tiningnan kung sino ang caller, it was my Mom. "Hello Ma, bakit napatawag ka?"

"Pumunta ako sa school niyo at wala ka roon. Ang sabi sa'kin ay bibisitahin mo si Roxanne?"

Mga chismo ko nga namang kaibigan, ang bilis magpabuking, sumbungero pa. "Ah, oo Ma. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita eh," pagsasabi ko ng totoo.

"Hay naku bata ka, sabing huwag na huwag kang magka-cutting eh. Pero sige si Roxanne naman yan eh. Ikamusta mo ako sa kanya, huh? Osiya bye! Mahal ang load," at binaba agad nito ang tawag.

Botong-boto talaga si Mama kay Roxanne, kita't kinonsinte ang aking pagka-cutting para lang bisitahin si Roxanne.

Muli kong naalala ang narinig kong usapan ni Roxanne at ni Mama noon.

********************************

"Opo tita! Sobrang mahal ko po talaga ang anak niyo! Gagawin ko po ang lahat para lang mahalin niya ako," sabi ni Roxanne kay Mama noong muli siyang bumisita sa'min.

"Ahaha. Nakakatuwa ka talaga iha, pero, hindi ko naman pwedeng basta ipagkatiwala ang anak ko sa iba." Si Mama talaga! Kung magpaka-overprotective kala mo'y babae ang anak niya.

"Naku tita, aalagaan ko po ang anak niyo." Itinaas nito ang kanang kamay na tila nanunumpa. "At ibibigay ko po talaga sakanya lahat. Tska isa pa po, wala po akong arte, kung gusto niya ng isang basketball team na mga anak, kaya ko pong ibigay. Kaya nga po inaalagaan ko ng maayos ang katawan ko," at nagtawanan sila.

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'to. Hindi ba siya marunong mahiya sa mga sinasabi niya? Parang ako pa tuloy itong nahihiya sa mga pinagsasabi at pinaggagagawa niya.

Short Stories (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon