[Part 3 of 3] Regrets

2.2K 111 50
                                    

"Are you a Masochist? Bilib din ako sa'yo bhest. Feel na feel mo ang saktan ang sarili mo no?" sabi ni Sarah na kahapon pa nagmamaktol sa'kin.


After my meeting with Bren yesterday, hindi na ako napakali at hindi na ako nakatulog. Buong magdamag kong tinitigan ang invitation at iniisip ko kung pupunta ba talaga ako. At simula pa kahapon ay pinipigilan na ako ni Sarah, dahil baka daw mas masaktan lang ako.

Muli akong humarap sa salamin, at least I want to look presentable para hindi naman ako mukhang kaawa-awa talaga mamaya. Hinarap ko si Sarah, "I think, this is the end. Ito siguro ang gusto niyang kabayaran sa ginawa kong pananakit sakanya noon. Ito ang ikatutuwa niya, ang makita akong naapektuhan at masaktan, then I'll give it. Siguro naman magiging quits na talaga kami. Pupunta ako, para magbayad ng ginawa ko noon. Don't worry, kakayanin ko ang sakit. You're always be there, right?"

Inismiran lang ako nito at lumabas na ng kwarto. I need to prepare my heart.

|Time check: 10 minutes before the time. 5 star hotel Venue|

Tiningnan ko si Sarah na ipinagdrive ako papunta dito. "Papasok na ako. Sasama ka ba?" sabi ko sakanya bago bumaba ng sasakyan..

"Hindi na. Basta bumalik ka lang dito. Wag kang magpakamatay" sabi nito at napatawa naman ako doon.

Tuluyan na akong pumasok sa hotel at agad naman akong inasikaso ng mga staff after kong ipakita ang invitation card na hawak ko. Sa treatment nila ay daig ko pa ang VIP. Inalalayan nila ako sa coat na dala ko, kinocomfort ako with their polite chosen words, inaalalayan sa mga daan na pupuntaha, pati sa pagsakay ng elevator hindi nila ako inawan.

Ayos din 'tong si Bren eh, sasaktan na nga lang ako ngayong gabi may special treatment pa.

At huminto sila sa tapat ng isang malaking pinto, sabay yumukod sila sakin, I think this is the end of the tour at nasa likod na ng pintong ito ang kagabi ko pa pinaghahandaan. Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto. At isang engradeng hall ang naroon. Napakaraming tables ang chairs, pero ni isang bisita ay wala, ni isang tao nga'y wala.

Tama ba 'tong napuntahan ko? Baka sobra kong aga? Pero base sa aking orasan 5 minutes late na nga ako. Nilinga-linga ko ang paligid, at nakita ko ang bulto ni Bren. Pupuntahan ko na sana siya para itanong kung bakit ganito, nang biglang lumitaw sa aking paningin si Kia na naroon pala't kausap niya.

Short Stories (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon