[Part 1 of 2] Wait for me, I'll be forever with you

5K 165 85
                                    

"Ay! Shit," tangi kong nasambit dahil sa biglaang pangyayari.

"Miss, miss. Ayos ka lang? Anong nangyari?" natataranta kong tanong.

"T-tulungan niyo naman kami!" makaawa ko sa ibang estudyante na nakatingin sa'min.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng nakahandusay ngayon sa'king harapan. Paglabas ko ng aming classroom ay may babaeng bigla nalang napahandusay sa sahig at saka nangingisay at bumubula ang bibig, epilepsy siguro.

Lumuhod ako at akma ko siyang bubuhatin para dalhin sa aming clinic. "Miss, dadalhin na kita sa clinic baka doon ay masolusyunan nila ang nangyayari sa'yo." Binuhat ko na ito at itinatakbo papuntang clinic. Lahat ng mga estudyante ay nagsitakbuhan din kasama namin. Mga chimoso nga naman.

Tiningnan ko ang babaeng karga ko nang maramdaman na huminto ito sa panginginig sa aking bisig. At ganun nalang ang gulat ko ng mapansin kong nakangiti ito na para bang kinikilig. Napakunot ang aking noo. Huminto ako sa pagtakbo, at inalog ang babaeng manloloko, "Hoy! Miss, niloloko mo lang ba ako? Malayo pa ang april para sa mga pranks mo." Ang nararamdaman kong awa at taranta kanina ay biglang napalitan ng pagkainis at galit. Ang lakas ng loob nito para lokohin ako.

"E-he-he-he. A-ayos na ako. Ang sarap kasing makulong sa bisig mo eh, pero mas magiging okay ako kung may kasamang number at KISSpirin mo, Kent," sabi nitong ngiting-ngiti at nagniningning ang mga mata.

"Yiee!"

"Yun yun oh."

"Para-paraan nga naman."

Narinig kong asaran ng ibang mga estudyanteng nakasunod sa'min kanina. Mas lalo pa tuloy nitong pinag-iinit ang ulo ko. Pakiramdam ko'y kaunti nalang at magmimistula na akong bulkang sasabog.

Sa inis ko ay binitawan ko ito ng walang anu-anong pasabi. "Aaaah! Aray!" irit nito habang sapo ang pwet na bumagsak sa sahig.

"Ang lakas ng loob mong lokohin ako no? Tingin mo natuwa ako sa ginawa mo?" pagsigaw ko sakanya. Lahat ng estudyante nagsitigil sa panunuya nila.

"Hindi kita niloko no. Ikaw naman kasi, napakataray sa lahat ng girls. Ginawa ko lang naman yun para magpapansin sa'yo, kita mo effective *peace sign*! Matagal na kitang gusto, at gusto kong marinig ito ng lahat ng estudyanteng narito. Kent Saavedra, para ipaalam ko sa'yo, I'm willing to be your girlfriend anytime. Nga pala kung di' mo ako nakikilala, ako nga pala si Roxanne Guererro, your fan, admirer, secret lover, and FB stalker at your service my handsome master. *salute*" This girl is UNBELIEVABLE. I can't find a word to say, as if I am speechless with this girl.

"Nga pala kung nahihiya kang ayain ako... Well, ako na ang aaya sa'yo. Will you be my boyfriend, Kent Saavedra? Yes or Yes?" patuloy nito at nag-umpisa nanaman ang asaran ng buong estudyante na nanonood sa'min. The only thing I can do is to remain speechless.

************************************

Untill now, hindi ko mapigilang mapangiti tuwing naaalala ko kung paano ko nakilala ang isang babaeng nakakainis sa kulit, babaeng hindi marunong magsawa at mapagod, at higit sa lahat isang babaeng kayang gawin ang lahat para sa taong tunay niyang minamahal.

Dumating ang panahon na kulang nalang ay ipa-salvage ko na siya sa sobra niyang kulit. Hindi lang 'yan ang ginawa niya para magpapansin sa'kin. Paulit-ulit at paiba-iba ang style at mga pakulo nito. But then, I can't deny that this annoying girl had captured my heart. I learned to love her, the way she loved me.

I admit na hindi ko gusto ang lahat ng pinag-gagagawa ni Roxanne noong una, nang dahil sa ginawa niya ay naging tampulan kami ng tukso ng lahat ng estudyante. Hindi ko malaman kung saan nakukuha ng babaeng yun ang lahat ng kanyang mga pakulo.

Ayaw ko sa mga babaeng unang nagpapakita ng motibo sa lalaki. I like demure girls, na may pagkahard-to-get. Why? because It is a challenge for guys to gain the sweetest 'Yes' of the girl. But the situation between me and Roxanne was the complete opposite of the traditional courting style in the Philippine, siya ang nanligaw sa'kin.

"Lang'ya, pare! Nangingiti ka nanaman diyan mag-isa. Unti nalang mukha ka ng takas mental," pukaw ng aking kaibigang si James mula sa aking pagde-daydream.

"Eh. pano malamang kinikilig nanaman 'yan sa mga moments nila ni Roxanne. Nakaka-gay,"  sabat ng isa ko pang kaibigan na si Drew.

"Manahimik nga kayo! Pambihira mga walang girlfriend eh," sagot ko sa lahat ng pang-aasar nila sa'kin.

"Magsitigil na nga kayo! Gutom lang 'yan. Tara kain na tayo!" pag-aaya ni Jason.

Nagtatawanan ang lahat habang lumalabas mula sa aming classroom. Saktong nasa pintuan na ako, papalabas, nang bigla ko muling maalala ang mga nakakalokong gimmick ni Roxanne.

******************************

"Oh, Ano meron?" sabi ni Jason nang lumabas kami mula sa classroom. Agad kong sinilip kung ano ito. At nakita ko ang mga scattered petals sa sahig. Bakit ang daming petals? Sinuyod ko kung saan nagmula ang mga petals na ito ngunit, wala akong ibang nakita kundi ang mga petals na patungo at nagtuturo ng daan pababa ng hagdaan ng eskwelahan. Nasa second floor kasi ang classroom namin.

"Tara. Sundan natin," suhestyon ni Drew.

Sinundan namin kung saan kami dadalhin ng mga petals sa sahig. Hindi namin alam kung ano bang meron dito pero mukhang may itinuturo itong daan sa'min, papuntang campus gym? Nagtinginan kami sa isa't isa, palihim na nagtatanungan sa aming mga isipan 'Anong bang pakulo 'to?'

Nang maabot namin ang dulo ng mga nakakalat na petals, sa gitna ng gym. As if on cue ay biglang nagliwanag ang paligid, isang romantic lights, at nagkaroon ng romantic music. Nakita ko ang ilang mga estudyante na sumunod sa amin na muling nagpakachismoso.

At mula sa isang sulok ng  gym ay lumabas si Roxanne. May dala itong roses and lunch box? "Hi, do you like it? By the way, flowers for you." Inabot nito sa'kin ang boquet na hawak.

Nagkaroon muli ng bulung-bulungan mula sa mga nakikinood. At kita kong natutuwa si Roxanne sa exposure na natatanggap.

"Ano ba 'to? Hindi ka ba nahihiya? Ang daming tao oh!"

"It is my way of saying how much I love you. Ayaw mo kasi akong ligawan eh, kaya ako nalang manliligaw sayo. haha. At isa pa, mas okay na yung nakikita ng lahat ang pangyayaring 'to. At least alam nila that YOU.ARE.MINE."  Umakto ito ng isang kiss. TSSS! Annoying!

Tatalikod na sana ako dahil naiirita na ako sa sitwasyon na 'to. Kahit naman siguro sinong lalaki ang gawan ng ganito ay paninindigan ng balahibo. Nakakahiya na ako pa ang nililigawan. Naiirita ako dahil malamang paksa nanaman kami ng usapan.

"Wait!" pigil nito sa'kin. "I prepared your favorite food, dinuguan, right?" paano niya nalaman yun? Iilan lang ang mga nakakaalam ng mga personal preferences ko.

"Ah! If you're wondering kung kanino ko nalaman. I got the information from your mom *smiling widely*. Dumalaw ako sa inyo kahapon eh, sinabi ko na I'm courting you! HAHA. And your Mom likes my idea." Seriously? Ganoon siya kadesperada? Ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya kaya walang imik akong patuloy na naglakad palabas ng gym.

"Hey! wag mo akong talikuran. Just wait, darating din ang araw na you'll be head over heels to me. You're going to regret that you take me for granted. So, for now bye! Eat well. HAHA. Balang araw, babalik balikan mo 'ko. Ako ang dadalhan mo ng roses, itaga mo 'yan sa shell ng pagong!" nakangiti nitong sabi nang huli kong sulyapan.

Pagkatapos noon ay tuluyan na akong lumabas sa gym. That will never happen. I will never fall for that agressive girl. Never!

Short Stories (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon