ö[Part 2 of 2] My Karate Love

2.8K 151 75
                                    

[ Title: My Karate Love part 2]


Papasok? Hindi papasok? Papasok? Hindi papasok? WAAAAAAAAAAA! Gulong-gulo ang isipan ko. Parang ayokong pumasok sa karate club ngayon. Ngayong araw kasi ang start ng practice ni Lance, at ako ang mentor. Kinakabahan ako.

"Gina, kumilos ka na at male-late kana," sabi ni tita na hindi ko namalayang nasa loob na pala ng kwarto. Routine na kasi nito ang gisingin ako tuwing umaga.

"Tita, parang ayoko kasing pumasok eh."

"Naku, hindi pwede ang tatamad-tamad. Wala tayong mararating niyan, iha. Isa pa ang daming umaasa sa'yo sa club. Sige na, kilos na."

At dahil nga sa pagpupumilit ni tita ay wala akong nagawa kundi ang pumasok sa Karate Club. "Good Morning, Senpai," bati ng ibang mga students na under ko. "Morning." at nginitian ko sila.

Pumasok ako sa practice hall, at doon ko nakita ang taong ayaw kong makita. "You're five minutes late. Pero di bale at least pumasok ka. Kala ko I-indian-in mo 'ko eh." Tiningnan ko ito at ganun pa rin sobrang ngiti pa rin ang loko, at parang excited na excited. Ganun niya ba talaga kagusto matuto ng Karate?

"Ano? Bagay diba? Sabi nga nila ang cool ko eh. Well, matagal ko na namang alam yun *with matching kindat*" sabi nito na ang tinutukoy ay ang suot nitong uniform. White ang kulay ng belt nito na ang ibig sabihin ay trainee o beginner sa Karate.

"Nakalunok ka ba ng aircon? Sumobra ka sa hangin. Lamig grabe. Huwag kang puro salita. Magpractice ka na. Let's start from the basic, stretching."

"Humiga ka na" utos ko rito. Pero bigla nalang itong nag-cross arm na parang pinoprotektahan ang sarili na kala mo'y gagahasain. "Ay! Ang kapal. Grabe!" May kalyo ata ang mukha ng isang 'to.

"Ahahaa. Baka kasi pagnasaan mo lang ang maganda kong katawan eh."

"Asa ka naman!" Well, pwede rin kung hindi lang antipatiko ang isang 'to. "Let's do the sit-up first. Ako ang partner mo kaya ako ang hahawak sa paa mo. Sige na, umpisahan mo na," propesyunal kong sabi. Iisipin ko nalang na isa rin siya sa mga normal na estudyanteng napupunta sa'kin at baka maiwasan ko ang pagka-ilang at tunay kong nararamdaman.

Pumunta ito sa mat at saka humiga, positioning for sit-up. Hinawakan ko ang dalawang paa niya. "Okay. Start! You need to do at least 100 sit-ups." Akala niya padadaliin ko ang gagawin niya? Never. 

"Okay! One" bilang niya.

Sa pagtayo niya from his position, I catch my breath. Napakalapit ng mukha niya sa akin. It was almost a kiss kung hindi lang naging mabilis ang reflexes ko. Para akong biglang nanlambot. Pero nang tingnan ko ang reaksyon nito ay kalmado lang ang dating, and take note nakangiti pa ang ungoy. Tell me, nang-aasar nanaman ba siya? I am full of it.

"Two!" muli niyang bilang and he goes for ups again. Naging ganoon na naman kalapit ang pagitan ng aming mga mukha. Ramdam ko ang hininga niya sa aking mga pisngi. I can't look directly at him, dahil kung titingnan ko siya, baka ano mang oras ay may maganap na kissing scene sa pagitan naming dalawa.

Hanggang matapos ang sit-ups niya ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumingin sa ibang dereksyon. At hanggang matapos ay hindi mawala ang mapang-asar na mga ngiti nito. Shit! Naiisahan nanaman ako ng mokong na 'to ah.

And for the rest of our stretchings, warm-up, and duel practices ay nagging ganoon ang attitude niya. I sense na sinasadya niya ang lahat para asarin ako. Lagi siyang nakangiti. Mukha na siyang baliw actually, gwapong baliw to be accurate. Pero lagi itong humahanap ng paraan para mapalapit kami sa isa't isa, o di kaya'y maging intimate and awkward ang situation namin tulad ng nangyari sa sit-ups niya.

Short Stories (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon