[Part 1 of 3] Regrets

2.7K 109 44
                                    

[Title: Regrets part 1]

"Ashlee! Hoy! Back to earth." pukaw ni Sarah sa pagmumuni-muni ko. Ikinaway-kaway pa nito ang kanyang kamay sa aking harapan.

"Grabe, girl. Naglalakbay ka nanaman ba?"

"Sorry. Ano nga pala ulit ang sinsabi mo?" tanong ko sa bestfriend kong si Sarah.

"Yun tayo, eh. Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka naman pala nakikinig. Jusme! Sayang ang laway ko sa'yo 'teh," pagmamaktol nito. Alam kong sadya talagag mapagbiro ang kaibigan kong ito.

"Ah, Eh..." wala akong mahanap na mga salita, dahil isa lang tangi kong alam ngayon. masyado akong destructed dahil nasasaktan ako.

"Bakit ba? Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Sarah nang marahil ay napansin niya na wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanya. Muli akong tumingin sa table na medyo mmalayo sa amin. Nasa canteen kasi kami ng school ngayon upang magbreak.

Tiningnan ni Sarah ang direksyon na kanina pa umaagaw ng aking atensyon. Malayo iyon sa inuupuan namin pero hanggang doon ay abot parin siya ng aking paningin.

"Ah, kaya naman pala" narinig kong sabi ni Sarah. "Mahal mo ba? Nagsisi ka?" tanong ni Sarah sa'kin. Alam niya kasi ang kwento naming dalawa, at kung gaano ako katanga noon na pinagsisisihan ko ngayon.

I saw him, I saw Bren... with his present girlfriend. Silang dalawa lang sa table, at ang masakit pa'y ang sweet nila. Siguro nga napakaliit talaga ng university na ito para sa'min, dahil ayaw ko man siyang makita ay pinagtatagpo talaga kaming dalawa. Madalas ko siyang makita, pero ayus lang sana yun kung ang nakikita ko ay siya lang, pero hindi eh. He's always with his girlfriend, laging masaya at nakangiti.

"Alam mo naman ang sagot jan diba? Oo, mahal ko na siya. And I am too late to realized it." sagot ko sa mga tanong ni Sarah.

Mahal ako ni Bren, yun ang alam ko simula noong grade six kami hanggang fourth year. Ako lang ang ginusto niya.... NOON. Pero sa nakikita ko ngayon, nakukumpirma ko na he's really over me now. Balewala na ako sa kanya.

Bren and I were used to be friends, close friends actually, dahil noong new transfer palang ako ay siya lang ang tangi kong nakakausap. Maraming nagtataka sa relationship naming dalawa pero as far as I know we're just close friend. At yun lang talaga ang tingin ko sa kanya, walang labis at walang kulang. 

4 years ago, second year high school kami noon. We're classmates at exam week noon.

"Okay, class. Lahat ng mga bag niyo ay ilagay niyo sa storage room natin sa likod" ang pinaka-ayaw kasi ni sir ay yung nangongodigo. At para maiwasan iyon ay ipilalayo niya sa'min ang lahat ng mga gamit na malapit sa'min, including bags and cellphone. Maliit lang ang storage room namin, but it can occupy almost 6 person sa loob, pinapanatili namin na lagi itong malinis dahil madalas nga ay nagiging tambayan ito ng aming mga boys tuwing break time.

Agad naman kaming sumunod sa sinabi ni sir. Kasama nila ay inilagay ko na rin ang aking bag sa storage room.

Nagstart ang exam and it lasted for almost 3 hours sa first part. "Magbreak na muna kayo!" sabi ni sir at umalis na sa room. Together with my girl classmates ay pumunta na kami sa canteen para magrecess, but to our surprise nang bumalik kami sa room ay nagkakagulo na ang lahat ng boys.

Nagtatawanan ang lahat, at nang pumasok ako, lahat ay nagtinginan sa'kin. What's going on?

"Yari ka Bren. Anjan na si Ashlee. Storage! Storage! Storage!" sabay sabay na kantiyawan ng lahat. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila, pero mas pinili ko ang hindi na muna pumasok sa storage room, dahil alam ko na naroon ang kung anumang kalokohan nila.

Short Stories (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon