Chapter One

13.8K 473 23
                                    

MALAKAS na tunog ng alarm clock ang biglang gumising sa napakagandang panaginip niya. Naiinis siyang nagmulat ng mga mata at saka pinatay ang alarm clock niya.

Niyakap niya ang unan niya saka parang baliw na ngumiti. Ganito kaganda ang umaga niya sa tuwing dadalawin siya sa panaginip niya ni Zackie. Kinikilig niyang hinawakan ang mga labi niya. Her dream felt so real. Pakiramdam niya totoong hinalikan siya ni Zackie.

Kahit panaginip lang ang ginawang paghalik ng binata sa kanya ay masaya na siya doon. Atleast nakita niya itong muli sa panaginip. Napatingin siya sa wall clock. Alas sais na ng umaga. Kinuha niya ang cellphone niya sa side table at saka itinext muli ang binata.

Nakuha niya ang cellphone number nito kay Chelsea kapalit ng address ng boss niya na si Cj. Ayaw niya sanang ibigay ang address ng boss niya sa kapatid nito pero dahil numero ni Zackie ang kapalit ay pumayag na siya.

Hindi niya alam kung papaanong nahalata ni Chelsea ang lihim niyang pagtingin sa binata. Siguro dahil na rin sa parati siyang nakatingin kay Zackie sa tuwing pupunta ito sa restaurant. Ewan niya ba hindi niya mapigilang titigan ito sa tuwing makikita niya. Napaka-gwapo kasi ng binata kaya kahit na anong pigil niya sa sarili na huwag itong lingunin ay hindi niya magawa.

Nagsimula na siyang mag-type. Gaya ng dati binati niya lamang ito ng Good morning at isang maikling mensahe. Ilang beses na niya itong tinitext pero wala man lang response sa kanya. Hindi man lang ito nagtatanong kung sino siya. Hindi siya nagpakilala rito. Personal number niya ang ginamit na pang-text rito. May company cellphone na pagamit kasi sa kanya si Cj kaya hindi alam ng mga ito ang number niya.

Matapos mai-sent ang message niya ay tumungo na siya sa bathroom para maligo. Alas otso ng umaga ang pasok niya. Pagkaligo niya ay naghanap siya ng susuotin sa closet niya. And as usual isang midi skirt ang kinuha niya at long sleeves blouse. Hindi siya komportable na manamit ng sexy.

Kahit pa mahigit sampung taon na siya rito sa America ay hindi pa rin niya naa-adopt ang sexy na pananamit ng ilang mga kababaihan dito. Hindi siya ganun ka-confident sa katawan niya. Hindi perfect curve ang body figures niya at kahit na maputi at makinis ang balat niya at hindi pa rin siya sanay magsuot ng mga damit na halos labas na ang kaluluwa.

Matapos makapagbihis at matuyo ang buhok ay lumabas na siya ng silid niya. Nangungupahan lamang siya sa isang apartment na kungsaan ay ten minutes walk from her job. Mula ng magkatrabaho siya ay nag-moved out na siya sa bahay nila. Ayaw niyang maging pabigat sa mga parents niya.

Mula nang maaksidente ang Daddy niya at maging disabled ito ay nagtrabaho siya ng husto para makatulong sa mga ito. Sa ngayon ay ang Mommy niya na lamang ang nagtatrabaho. Nurse ang Mommy niya at Engineer naman ang Daddy niya noon.

Hindi sapat ang kinikita ng Mommy niya dahil may dalawa pa siyang kapatid na nag-aaral sa highschool at college. Nagbabayad pa rin ng mortgage ng bahay ang mga ito hanggang ngayon. Kaya naman halos kalahati ng sahod niya ay itinutulong niya sa mga ito.

Nagtyatyaga siya na manirahan sa isang maliit na apartment na ito. Kung tutuusin afford niya naman na kumuha ng isang maayos na apartment. Pero dahil tumutulong siya sa pamilya niya ay pinagtyagaan niya na lamang na tumira rito. Kahit pa madalas sira ang heater at nakakairita ang ingay ng ibang tenant dahil hindi naman soundproof ang bawat kwarto. Magtitiis siya basta maayos ang lagay ng mga mahal niya sa buhay.

Gumawa siya ng strawberry banana smoothies para sa breakfast niya. Matapos mailagay iyon sa isang tumbler cup at makakuha ng isang mansanas ay lumabas na siya. Hindi siya kumakain ng heavy breakfast sa umaga. Diet siya ngayon dahil napansin niya na medyo sumisikip na ang mga damit niya.

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon