Chapter Nine

5.9K 487 76
                                    

PAGKATAPOS nilang sumayaw ay inaya siya ng binata na umahon sa pool. Tapos nang magluto ng barbecue ang pinsan ni Cj at inaya sila nitong kumain muli.

"Sit with me, Anna." sabi ni Zack nang makaahon sila.

Sumunod siya rito nang tumungo ito sa pangdalawahang mesa lamang. Ipinaghila siya nito ng upuan. Habang ito naman ay nanatiling nakatayo.

"Do you want barbecue or burger?"

"I'll have barbecue please."

Umalis ito at tumungo sa kinalalagyan ng mga pagkain. Nang bumalik ito ay inilapag ang isang plato na may lamang barbecue. May soft drinks rin ito na dala.

Nang umupo ito sa may harapan niya ay nagsimula na siyang ma-conscious dahil medyo nakadungaw ang cleavage niya sa swimsuit na suot. Panay ang hila niya roon. Hanggang sa muling tumayo ang binata at umalis. Nang magbalik ito ay may dala nang towel. Ipinatong nito iyon sa balikat niya.

"I know you are not comfy with your swimsuit. So, here cover yourself." sabi nito saka muling naupo.

Nagpasalamat siya rito matapos maayos ang towel sa balikat niya. Nagsimula na silang kumain. Wala silang imikan habang kunakain. Medyo nahiya na naman siya dahil ramdam niyang nakatitig ito sa kanya habang tahimik na kumakain.

"Do you have boyfriend, Anna?"

Napatingin siya rito nang marinig niyang nagsalita ito.

"W-wala." maikling tugon niya.

Muli itong natahimik. Gusto sana niyang tanungin rin ito kaso bigla siyang nahiya.

"So, what's the real score between the two of you?" biglang lapit ni Jordan sa table nila. May hawak itong bote ng beer at iniabot kay Zack.

"Stop bugging us,Jj. Will you?"

Tumawa ang binata saka tinapik sa balikat si Zack.

"Kanina mo pa siya binabakuran, bro eh! So, we thought there is something special going on already."

Napailing na lamang si Zack. Napaka-kulit ng kaibigan nito.

"Si Anna na lang nga tanungin ko." at bumaling ito sa kanya. Pasimple siyang napalunok. Kung ngayon ay ganito na ito mang-asar sa kanila paano pa kaya kapag nalaman nito na may nangyari na sa kanila ng binata at lumipat na siya sa bahay nito?

"Anna, kung sakaling manligaw 'tong bestfriend ko. May chance ba?"

Napatingin siya kay Zack. Nagkasalubungan ang mga mata nila. Ayaw niyang sagutin ang tanong ng kaibigan nito dahil nakakahiya. Nagkasama na sila ngayon sa bahay. Ayaw niyang magkailangan sila.

"You don't have to answer him, Anna. He's just playing around. Tigilan mo na nga yang kakulitan mo,Jj. Nasaan ba si Che-che." at tumayo ito saka inakbayan si Jordan at pilit na inilayo sa mesa nila.

Doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Inubos niya ang pagkain niya at nang magbalik si Zack ay humingi ito ng paumanhin sa kanya dahil sa kakilitan ni Jordan.

Lumipas ang ilang oras hanggang sa natapos na ang party. Nagsimula nang magpaalam ang bawat isa. Lumapit sila sa celebrant para magpaalam na rito.

"Who will take you home, Anna? It's late." tanong ni Zey sa kanya.

"Where do you live? I can bring you home if you don't mind." pagpresenta ni Dennis.

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon