Chapter Seventeen

6.3K 472 83
                                    

"DID you receive my surprise?" tanong ng binata sa kanya nang magkausap sila pagkauwi niya.

"Yes. Thank you so much. Happy 100 days to us." sagot niya.

"Are you really happy? Bakit parang malungkot ka? May problema ba?"

Nagulat siya sa tanong nito at sandaling hindi nakasagot. Hindi siya sanay magtago ng problema. Pero ayaw niya namang ipaalam pa rito ang ginawa niyang pagtanggap sa tulong ni Dennis kanina dahil alam niyang magagalit ito. Pilit siyang ngumiti.

"W-wala naman. Medyo stressed lang sa work."

Ito naman ang hindi kumibo.

"Still at work?" pag-iiba niya nang usapan. Napansin niya kasi na nakaupo ito sa swivel chair at naka-suit pa.

Tumago ito saka tumitig nang matiim sa screen.

"I have this feeling na may problema ka. What is it, Anna?"

Pilit siyang tumawa at umiling. Ang hirap magsinungaling sa harapan nito.

"I told you I am just stressed. At saka nami-miss na kita."

"Sure? How's your family? Are they okay?"

"They are fine. Wala namang problema."

Nakahinga siya nang maluwag nang makitang napatango-tango ito.

"Anna, I just want to remind you na hindi na ako ibang tao sa buhay mo. I want you to know that whatever problems might come on your way, whether it is big or small, o kahit na problema pa yan ng pamilya o kaibigan mo. I want you to bear in mind not to hesitate to tell me. I am always willing to listen and ofcourse to help sa lahat ng magiging problema mo. Forget about being shy with me. Because my ideal relationship for the two of us is to be completely open with one another. Whether it is good or bad. Okay?"

Napakagat-labi siya at nakukonsensyang tumango. Ngayon siya natauhan na sana sinabi na lamang niya rito ang problema niya kanina. Napahinga siya nang malalim. Too late to tell him now. Ayaw niyang ma-disappoint ito sa kanya. Siguro naman hindi nito malalaman na nanghiram siya ng pera kay Dennis. Pagkasweldo niya at the end of this month ay babayaran niya si Dennis ng half agad. Sana hindi na malaman pa ni Zack ang tungkol doon.

"I love you, Anna. Always remember that I will always be here for you. By the way, are you still okay with money?"

Kaagad siyang tumango. Ilang beses na itong nag-o-offer na bigyan siya ng pera for allowance. Pero lagi niyang tinatanggihan. Ang tanging pera na ginagastos niya lamang ay ang credit card na ibinigay nito sa kanya just incase na may gusto siyang bilhin sa labas. Pero madalas ay ginagamit niya iyon pang-grocery lamang.

"Okay. I have meeting soon. I need to get ready now. I love you, sweetie." paalam na nito.

"I love you too, Zack. Ingat ka. 'Bye."

Matapos mag-flying kiss ay pinatay na niya ang call. Nanghihina siyang napahiga sa kama. Hindi siya mapalagay na naglilihim sa nobyo. Sana makasahod na siya para mabayaran na niya si Dennis agad-agad.

SAMANTALA matapos ang meeting ay hindi niya maiwasang isipin ang nobya niya. Nag-aalala siya na baka may problema talaga ito at nahihiya lamang na humingi ng tulong sa kanya.

Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin para tuluyang maalis ang hiya ng dalaga sa kanya. Gusto niya na maging totally open ito sa kanya. Pero when it comes to financial matter parati na lamang itong tila nahihiyang magsabi sa kanya.

Siguro ganun talaga dahil hindi pa sila mag-asawa. Kaagad siyang natigilan sa naisip niya. MAG-ASAWA. Ilang linggo niya na rin itong pinag-iisipan. Siguro mas magiging open ito at tuluyang mawawala ang hiya kung magle-level up ang relasyon nila?

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon