Chapter Three

5.3K 313 20
                                    

SABADO nagising siya sa malakas na tunog ng cellphone niya. Nang kunin niya iyon sa side table ay nakita niyang si Coreen ang tumatawag sa kanya. Pinsan niya sa California.

"Hey, what's up?" bungad niya sa pinsan niya.

"Hey cous, I am here in NJ!" excited na sagot nito na nagpagising ng tuluyan sa diwa niya.

Ilang taon na rin yata silang hindi nagkikita. Dahil sa dami ng bills na kailangan niyang bayaran ay hindi man lang siya makapagbakasyon even once a year.

"Nandito ka?"

"Oo. Training for my new job. Let's meet up."

"New job again? What's wrong with you nakailang resign ka na?"

Magkaedad lamang sila nito. Mula nang grumaduate ito ay parati na lamang papalit-palit ng trabaho. Pero sabagay sarili lang naman nito ang binubuhay hindi katulad niya na may mga responsable sa pamilya.

"Nothing's wrong with me. But there's something wrong with my previous boss. Anyway, let's not talk about it. So, ano meet up tayo later?"

Napatingin siya sa wall clock. Alas otso pa lamang ng umaga. Rest day niya naman ngayon. Plano niyang dumaan sa bahay ng parents niya para bisitahin ang mga ito.

"What time?"

"I am free five o'clock onwards. Can you please fetch me?"

"I don't have car."

"Goodness, Anna! You've been working for how many years! How come you can't even afford to buy a car? Even a second hand car?!" exaggerated na sabi nito.

She could afford a second hand car. But the thing is takot siyang mag-drive. Nagka-phobia na siya matapos maaksidente ng Daddy niya. Lalo siyang nawalan ng lakas ng loob na matutong magmaneho.

"I don't wanna learn how to drive. Alam mo naman ang nangyari kay Dad."

Napabuntong-hininga ito.

"Oo nga pala. But I think you should learn. Its easier to drive than to commute. And besides, if tito had an accident it doesn't mean that you will have the same fate as him. You know what I mean?"

"I don't wanna learn that's my choice."

"Okies. I don't wanna argue. See you around six?"

"I will visit my parents first. If you want you can go to their house and we just meet there. Saan mo ba gusto pumunta?"

"Anywhere. Bar, mall... Take me everywhere. I don't wanna stay in hotel too boring."

"Okay. See you later then. Mag-Uber ka na lang."

"Gotcha. Sige, babush."

"Bye."

Matapos patayin ang linya ay naisipan niyang itext ang binata. Just like usual babatiin niya lang ng good morning. Kahit hindi ito nagre-reply sa kanya ay nakaugalian na niyang itext ito halos araw-araw.

Matapos mag-text ay tumayo na siya at naligo. Pupunta muna siya sa grocery store at mamimili ng pagkain niya. Bibili rin siya ng ilang pagkain na dadalhin niya para sa parents niya.

MATAPOS niyang mag-work out ay tiningnan niya ang cellphone niya. Iyon na namang unfamiliar number. Gaya ng dati binati lang siya ng good morning.

Binura niya kaagad ang mensahe. Wala siyang time makipag-usap sa taong hindi niya naman kilala. Kung re-replyan niya iyon ay baka tuluyan lamang na makipag-flirt sa kanya. Ramdam niya na babae ang sender base sa mga emoticons na ginagamit nito minsan. Too girly.

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon