Chapter Twelve

5.5K 444 38
                                    

SANDALI siyang hindi nakakibo nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya malaman kung gusto niya bang mag-komento o ano. Para kasing hindi pa ito handa na pag-usapan ang tungkol sa nakaraan na relasyon nito. Ramdam niya pa rin ang pait sa tono ng boses nito.

"I don't usually open up about my past with any women that I've met before. But just incase you want to ask something about it please don't hesitate. Because I feel like you have the right to know." sabi nito habang nagmumuni-muni ang isip niya.

Tiningnan niya ito at nagkasalubungan ang mga mata nila. Mukha namang bukal sa loob nito ang sinabi nito. Hindi niya alam pero parang gusto niyang kiligin sa fact na handa nitong buksang muli ang bahagi ng nakaraan nito para lamang malaman niya.

"Just tell me about it. Whatever I need to know. Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko."

"Let's eat first. After we eat I'll tell you everything."at nilagyan na nito ng pagkain ang plato niya. They started eating. Lalamig kasi ang pagkain kung uunahin nitong magkwento.

Matapos nilang kumain at magligpit ay tumungo sila sa living room. Umupo sila na magkatabi sa couch. At nagsimula na itong magkwento. Sinabi nito sa kanya ang estado ng relasyon nito sa pamilya nito. Lahat nang hinanakit nito sa Mommy nito at sa kuya Dave nito.

Ibinahagi rin nito sa kanya ang naging relasyon nito kay Cathleen. Kung paano nagkakilala ang dalawa at kung paano ito nakipaghiwalay sa binata at na-develop sa kuya nito. Ramdam niya na parang nasasaktan pa rin ito habang ikinukwento ang tungkol doon. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung naka-move on na nga ba talaga ito kay Cathleen. Dahil kung totoong naka-moved na ito sa babae hindi na dapat ganito kapait ang tono ng boses nito. Maging ang mga mata ay nakakitaan niya rin ng lungkot.

Ramdam niya ang sakit sa nangyari sa huling naging relasyon nito. At ganuon rin ang pangamba na baka hanggang ngayon may pagtingin pa rin ito sa babae kaya hindi nito magawang mapatawad ang dalawa. Ilang taon na ang nakalikipas dapat balewala na rito ang pangyayaring iyon. Hindi niya maiwasang isipin na baka rebound lamang siya nito para aliwin ang sarili at makalimot sa masakit na nakaraan nito. Mas mabuti pa pala na wala siyang alam sa nakaraan nito. Atleast hindi siya nagdududa o nagaalala. Bigla tuloy siyang nagdalawang isip sa totoong nararamdaman nito sa kanya.

"I think that's all you need to know. Kung may tanong ka pa just ask me."

Hindi siya sumagot. Tahimik lamang siya na umiling saka sumandal sa upuan. Maya-maya ay naramdaman niyang inakbayan siya nito at kinabig palapit dito para mapasandal ang ulo niya sa katawan nito.

"Sure you don't have any questions?" ulit nito.

Gusto niyang itanong kung totoong naka-move on na ito sa ex nito. Pero natatakot siya sa magiging sagot nito. But she needed to know. Napabuntong-hininga siya saka nag-decide na ibuka ang bibig para magtanong.

"Do you really over her?"

Tahimik niyang hinintay ang sagot nito. Hindi niya magawang tingnan ito sa mga mata dahil nakasandal ang ulo niya malapit sa may balikat nito.

"Ofcourse. They are married now. Ano pa ba'ng laban ko."

Na-disappoint siya sa isinagot nito. That was not the answer that she was hoping to hear. Base sa sagot nito parang hindi pa ito tuluyang naka-move on. Parang may plano pa itong ipaglaban ang babae pero wala lamang itong magawa dahil kasal na iyon sa kuya nito.

"Do you really know what's over her means? You don't sound like you---"

"I am over her, Anna. And that's because I have you now. I am so thankful that you came in my life. You helped me get over from all the pain that they had caused me. I was trapped in my past for how many years and you set me free from there. You made me live again."

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon