Chapter Ten

6.7K 513 67
                                    

"DID YOU HEAR WHAT I SAID?" untag sa kanya ng binata mula sa pagkakatulala niya.

Napakurap-kurap siya ng mga mata saka sunud-sunod na tumango. Hinaplos nito ang pisngi niya habang titig na titig sa mga mata niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito.

"Why?" naguguluhang tanong niya rito.

Kumunot naman ang noo ng binata kaya nilinaw niya ang nais niyang itanong dito.

"I mean, why me?"

Ngumiti ito and this time dalawang kamay na niya ang hawak nito.

"Why you? Honestly, I don't know why. After something happened between us hindi ka na naalis sa isip ko. I mean I could just simply ignore you after that night. Pero hindi ko magawa. Mula nung gabi na 'yon I always think of you. I find myself stalking and doing some crazy things that I never do with any other girls that I've met before. For some funny reasons I always wanna see you. You ruined my concentration most of the time until I realized that I have to leave my work early just to see you. I never felt this way before towards you. I mean, I never look this way before to you. You are just an ordinary girl to me before. But now, whenever I look at you something is telling me that you could be the girl who will make me happy again."

Speechless siya matapos nitong sagutin ang tanong niya. Hindi man nito direktang sinagot iyon ay sapat na ang paliwanag nito para madagdagan ang kilig na nararamdaman niya.

"I know you would find it hard to believe. But believe me, Anna. I am not the type of guy who is only after sex. I am hoping na hindi mo iniisip na nagustuhan kita dahil lang may nangyari na sa atin. And that I am just after your body. I see you beyond that. You are the type of girl who deserves respect. We maybe started in the wrong situation but if you'll give me a chance I will do my best to treat you right. Gusto ko'ng itama ang maling nasimulan natin by courting you. I won't take advantage to the fact na may nangyari na sa atin. Let me start to zero by allowing me to court you. Will you, pretty please?"

Naninikip na ang dibdib niya sa kilig. Hindi niya alam kung saan magko-concentrate habang nagsasalita ito kanina. Sobrang nadi-distract siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya.

Nang hindi niya malaman ang isasagot ay nagpaalam muna siya rito para magbanyo. She needs to be alone for awhile. Kailangan niyang pakawalan ang kilig na kanina pa umaatake sa kanya. Pakiramdam niya anytime soon ay mahihimatay siya dahil sa sayang nararamdaman ng puso niya.

Kahit nagtataka ay pinakawalan naman ng binata ang mga kamay niya. Para siyang nakalutang sa alapaap na naglakad patungo sa banyo. Nang makapasok siya doon ay para siyang tanga na nagtatalon sa tuwa. Huminga siya nang malalim. Ilang beses siyang nag-inhale exhale. Saka niya pinakalma ang sarili niya.

She looked herself into the mirror. Pakiramdam niya pumupuso ang mga mata niya. Kung noon wala siyang tiwala sa ganda niya. Ngayon feeling niya abot hanggang New York ang long hair niya. Gusto siyang ligawan ng binata. At last, nagkagusto na rin ito sa kanya.

"Now what? Ano'ng isasagot ko sa kanya?" nai-excite na kausap niya sa sarili sa harap ng salamin.

'Syempre yes, magpaligaw ka muna. Kung atat ka masyado eh di sagutin mo na!' sagot naman ng isang bahagi ng isip niya.

"Gusto ko munang ma-experience na maligawan niya. Buti nga nag-offer manligaw kahit nakuha na niya ang lahat sa akin. Okay. Calm down your nerves, Anna. Huwag masyadong excited." saka niya inayos niya ang buhok niya at huminga nang malalim saka lumabas na.

A Night To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon