Potek, hala, asaan ako, ang galing naman dito pero medyo nakakatakot lang. Parang kanina lang ang sarap ng tulog ko sa kwarto ko eh tapos napunta ako dito? Tf magic?
Nandito lang naman kasi ako sa parang ano ba to, mirror maze ba tawag dun basta yung maraming salamin tapos makikita mo yung reflection mo aa salamin feeling ko tuloy andami ko lol.
Ang galing niya lang pero medyo nakakatakot. Paano ba kasi ako napunta dito eh?Naglakad lang ako ng naglakad, nakakatuwa lang kasi, habang matagal na ako sa loob ng kwarto na ito medyo di na ako natatakot. Ang cute lang na makita mo yung reflexion mo sa maraming salamin though medyo creepy siya.Umusog naman ako ng konti ng bigla masagi ko yung isang salamin potek, makakabasag pa ako eh, mayaman naman kami now worries na hihi, patayo kaya ako ng ganto sa mansion? Lol
"Pasen--"
"Pasensya na" hala, napatingin ako sa likod ko. Myghaaaad!!
Nanlaki yung mata ko kasi omg astig hindi erase erase ang creepy.
Yung reflexion ko Sinagot ako sabi pasensya na daw!Imagination ba yun or totoo? Nagsalita yung reflexion ko at bigla siyang naglaho tapos wait weird to pero totoo eh naging tubig yung reflexion ko---
~WOOOOSH~
"The fuckkk!?" Napabangon nalang ako dahil sa sobrang lamig ng tubig na nararamdaman ko sa buong katawan ko.Nawawala pa yung babaeng kamuka ko este reflexion ko.
Panaginip lang pala! Pero hindi panaginip yung tubig na tumama sa akin dahil basang basa na ako.
Sobrang lamig nung tubig, saan ba galing yun? North pole tapos dala pa ni santa na nakasakay kay rudolph?
Para lang gisingin ako? Wow, napaka VIP ko naman.Pero seriously, pagkatingin ko kung sino yung nagbuhos sakin.
None other than "LOLOOOOOOOO" the fuck, myghadd.
Sinong matinong tao o sabihin nalang natin na sinong matinong lolo ang gigisingin ang apo niya gamit ang isang napaka lamig na tubig!?
Wala! Ang lolo ko lang yun! Nagiisa."Bangon ka na jan apo! Mag exercise routine na tayo" sabay hagis sa akin ng katana.
Agad ko naman yun sinalo at agad na inatake si lolo. Weird diba? Pero ganyan ang exercise namin.Oops ganyan kami magbonding.
Unique ba? Hindi naman masyado."Mukhang natatalo na kita ah, old man" asar ko kay lolo.
Magka-cross na kasi ang mga katana namin."Never ever, kid" sagot niya.
Nagulat ako ng apakan ni lolo yung paa ko sabay tulak sa akin sa gilid kaya natama ako sa gilid ng lamesa.
Aaargh that fuckin hurts.
Tiningnan ko yung binagsakan ko, basak lahat ng picture frames at pati narin yung lampshade. Pero i dont care mayaman kami, may pamalit naman.Hinagis ko yung unan at pinagtutusok ko gamit ang katana.
Nagliparan naman sa kwarto ko ang mga cotton sa unan ko.Ginamit ko yung time na yun para atakihin na siya pero pumunta siya pakaliwa kaya hinagis ko narin yung katana ko pa punta dun sa side niya.
"Waaah, sayang" hindi kasi tumama sa braso ni lolo, dun lang sa manggas ng damit niya.
Bigla naman bumukas yung pintuan ng kwarto ko at iniluwa ang maid. May dala siyang vaccum cleaner at walis.
Lilinisin niya na daw ang mga kalat at nabasag namin. Sanay na sila dahil araw araw naman basag ang lampshade at frames dito sa kwarto ko kaya araw araw may deliver ng lampshades at frames. Pero di na naman yun problema sa amin, duh mayaman kami."Gumagaling ka na apo ah" sabi ni lolo habang inaayos na ang sarili niya.
"But not as good as you,lo"
After ko sabihin yun, niyakap ko siya.
Ginulo niya lang ang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko.
After that back to the real estate na ang buhay ko.
Kailangan ko na pumasok sa school.(A/N: first day ba?)
Porket chapter 1 first day agad ang common nun noh.
2nd day ng school ngayon.
Naligo na muna ako at sinabon na ang dapat sabunin para matanggal na ang mga libag at dead dry skin. Para saan pa na naligo ka kung hindi mo kikiskisin ng mabuti ang katawan mo?
Kilala niyo na ba ako? Kung hindi pa ako lang naman si Aphrodite Ang goddess of beauty pero eto na nga habang magsha-shampoo papakilala ako para hindi sayang ang oras. Time is gold ay mali. Time is time pala at hindi time is gold kasi kung time is gold sana walang taong mahirap.
I am ALLIXENA MOURINE A. MENDOZA at ako na ang papalit kay aphrodite bilang goddess of beauty
19YEARS OF AGE.
My hobbies are MARTIAL ARTS, GUN FIRING, EATING, SLEEPING, STUDYING and etc.Hmm, ano pa ba? Maganda ako, maganda ako,maganda ako
Mayaman, mahilig sa away but i am not a gangster.After ko maligo, diretso naman ako sa baba, naabutan ko na kumakain na ng breakfast si lolo.
Uupo na sana ako pero kagaya ng dati *facepalm*"YOUNG LADY" napasigaw naman yung isa naming maid. For sure baguhan to.
Nagulay kasi siya sa inakto ni lolo eh.
Means di siya sanay sa nakikita niya and tadaaa tama ang hula ko?
paano ko nasabi? Hinimatay eh.
Baka matrauma to, ako pa sisihin lelz.Kasi naman eh si lolo, hinagisan niya lang naman ako ng kutsilyo tatlo pa at sabay sabay. And of course dahil maganda ako nakaiwas akoZ
"That's how to greet a good morning, Allixena" sabay ngiti niya sa akin ng nakakaasar.
Kinuha ko naman ang plato na malapit sa akin at hinagis ito sa kanya.
Iniwasan niya lang ito at tinuloy ang pagkain."Same here, tanda" i smirked too.
Cool no? That's how we greet each other a good morning and para malaman niyo ganyan ang routine sa buhay ko.----
Vote/comment/follow

BINABASA MO ANG
Empress' Mission
ActionI am just a normal girl, i mean I was. Everything change ng mamatay ang mga parents ko at mag ka sakit ang lolo ko. Dahil nga may sakit na ang lolo ko, no choice, ako ang mamamahala ng mga naiwan nilang business. Pero what if, malaman mo na di bast...