Chapter 5: The Real Start

26 6 2
                                    

Allixena's POV

After a month

"Ka-stressss" sigaw ko. Turo sa amin sa science dati, mahirap daw labanan ang gravity sa earth pero sa totoo lang mas mahirap labanan ang gravity ng higaan lalo na pag antok na antok ka, in short nakakatamad bumangon, nakakatamad tumayo pag nakahiga ka na.

Nahiga kasi ako dito sa kama pagkapasok ko palang ng kwarto.
Kaasar! Ang lamig talaga kasi dito sa Japan. Yup tama kayo ng rinig andito ako sa japan ngayon.

Kararating lang namin kanina at super jetlag pa ako.Kaya ayoko muna umalis dito sa kama.
In a relationship pa ako dito sa kama ko.

It's been one month na nung mangyare sa parents ko yun at until now, di namin alam kung sinong sira ulo ang magpapasabog sa bahay namin.
Sabi naman ng mga pulis baka daw magnanakaw at dahil ayaw nila na magkaroon ng evidence ay pinasabig nila ang buong bahay.

Magbabayad talaga sila sa ginawa nila, lintek lang ang walang ganti.

Hanggang ngayon masakit parin at fresh pa sa akin ang nangyare pero kahit papaano ay tanggap ko na naman. Nag stop ako sa school for now at sa next semester na ulit ako papasok.
Yun kasi ang sabi ni lolo and i dont know why.

I try naman na tanungin si lolo kung may threat ba sa buhay namin pero puro hindi ko alam ang sinasagot niya.

Kasama ko rin si lolo dito sa japan at kaya kami nandito ay dahil....

Ay

Peace, di ko rin alam eh, basta ang sabi ni lolo ay dahil may kailangan daw ako malaman at harapin, wow ah pasuspense kasi masyado yung tanda na yun.

"Allixena apo, lumabas ka na jan, andito na sila" narinig kong sabi ni lolo. Ang lakas ng boses niya rinig ko hanggang dito sa kwarto samantalang asa labas siya ng kwarto ko.Nakakaasar di pa ako nakakatulog at kagaya ng sabi ko kanina mahirap labanan ang gravity ng kama.

Pero wait? Sinong sila naman ang tinutukoy niya? Im not expecting someone kaya atsaka dont tell hanggang dito may manliligaw ako? omoo joke lang wala ako nun. Wala rin naman akong friends so sino naman hampaslupa yun?

"Opo, susunod na lo" sabi ko naman kahit labag sa kalooban ko.

"Galit? Kailangan sumigaw?" Feeling bata talaga tong si lolo eh. Grabe di ko talaga maiwanan tong higaan. Yinakap ko pa muna yung unan bago tumayo kasi naman ang sarap talaga lalo na at malamig, masarap matulog.

"Inaantok pa ako, hindi ba pwedeng mamaya konti?" Request ko pa.

"Sige na sige na, matulog ka na nga muna jan" rinig kong sabi ni lolo.

Myghaaad eto na ang inaasam asam kong tulog.

"Sigeee looo, goodnight" sabi ko sabay taklob ng kumot at yakap sa unan.
Oyasuminasai minna!
(Translate: goodnight everyone)

BLAG! BLAG!

Napatanggal ako ng kumot dahil kahit kelan talaga walang matino siyang gagawin buti nalang at alerto ako kasi naman hagisan pa naman ako ng dalawang kutsilyo!?

"Goodnight din apo" ngingisi ngisi pang sabi niya.

After 5 hours ng pagtulog ko, pag gisinig ko super sarap ng bangon ko paano ba naman nagising ako ng payapa. Walang nag buhos sa akin ng malamig na tubig, walang nagliliparan na kutsilyo, walang nagpapaulan ng bala at kung ano ano pa.

Sabi ng mga maid, alarm clock daw ang panggisng nila, pero i doubt kung uubra sa akin yun sa pagkakaalala ko hinahagis ko ang alarm clock ko sa bintana eh.

Hayss, how i wish na palaging ganito, first time payapa ang umaga ko.

Bababa na sana ako ng---WTF?!
Nanlaki bigla ang mga mata ko.

Ning magulat ako di ko na alam ang nagyayare, kusa atang gumalaw ang kamay ko. Natauhan lang ako sa pinaggagawa ko ng sumigaw ng malakas si lolo.

"What the heck are you doing" nagulat ako sa sigaw ni lolo at halatang gulat sa mga nakikita niya.
Tiningnan ko naman ang pinag-gagawa ko, nagulat rin ako.
Nakahawak pala ako sa kwelyo ng lalaking nakaitim at yung mga kasama niya at nakahiga na sa sahig yung iba putok ang labi tapos yung iba may mga pasa.

"Lolo! Bakit may mga men in black dito sa labas ng kwarto ko!?"

Siguro curious kayo kung ano nakita ko kanina kasi naman paglabas ko ng pinto nagulat ako at may limang men in black sa tapat ng kwarto ko akala ko magnanakaw na naka-suit kaya ayun nabugbog ko sila.

"Bakit mo sila binugbog?! Royal guards mo yan"

"Ahh, sorry naman guard ko pala sil-- ano wait? Royal? Sino? Ako?"sabi ko habang dinuduro ko pa sarili ko.
Kasi naman eh, royal guards? Kelan pa ako naging dugong bughaw, kelan pa ako naging maharlika haha.
Hmm, mukang prinsesa kamo pero di parin ako prinsesa.

"Bumaba ka na kasi"

Feeling ko pag bumaba ako may kaweirduhan na mangyayare na di ko inaasahan lalo na at nakangising parang aso ang lolo ko ngayon.

Pagka-baba ko, akala ko may lamay pr libing sa pagkakatanda ko last month pa nilibing ang mga magulang ko pero parang hanggang ngayon nagluluksa ang mga tao dito kasi naman hindi lang pala limang men in black ang meron dito, andaming taooo!! At lahat sila naka itim. Pero mas napansin ko yung nag-gagandahan nilang baril!

Nilapitan ko yung isa at kinalabit kalabit siya at nung lumingon na siya sa akin.

"What can i do for you, empress?" Tanong sa akin nitong men in black
At anong empress? Allixena ang pangalan ko fyi.
Pero di bale na nga.

"Eh ano kasi, pwede ko ba yan mahiram?" Turo ko dun sa baril niya hihi.

"ALLIXENA!!" Sigaw naman ni lolo.

Napa-pout tuloy ako kaya sa ayaw at sa gusto ko nilayuan ko yung men in black tapos lumapit na kay lolo.Sayang naman yung baril niya hayss.

Nakita ko si lolo na nakadekwatro pa sa  sofa namin at may kasama siyang mga lalaki at isang babae na parang kasing edad ko lang.

That girl, parang nakita ko na siya kung saan man. Ewan ko, basta para siyang familiar.

"Council, i want you to meet my granddaughter, Allixena Mourine A. Mendoza" sabay- sabay naman na tumayo yung mga lalake at nagiisang babae.

Balak ko sana silang batiin ng goodmorning kaso hindi ko talaga inaasahan ito.

Kuso!!
(Translate: Fuck)

Tumayo silang lahat at naglabas ng mga kutsilyo. Napatingin naman ako kay lolo at ang lapad ng ngiti niya wtf.
Pero sandali di ako handa, pero bago ko pa malaman wala na, sumugod na sila sa aking lahat.

Are they crazy? Papatayin ba nila ako sa harap ni tanda!? At sa sariling pamamaha namiiin? Naging alerto nalang ako at wala na ata akong choice kundi lumaban talaga.

Akala ko kanina, kahit ngayon ay normal ang umaga ko pero hindiiiii.
Kahit kelan di magiging normal ang umaga ko dahil unang una abnormal ang lolooo koo...

Empress' MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon