Allixena's POV
"ANO YAAAAAN!?"
Binasa ko naman parang death threat, dugo pa ang ginamit panulat, ano naman kaya baboy?ibon? Eww baka naman daga pero seriously medyo nakakatayo ng balahibo ,nakasulat kasi
"Little by little, time of your life is lessen, revenge is coming, the only way out is DIE. Now, do you want to die?
-Riyujin Gang"Tiningnan ko naman ang buong room at sakto ako lang ang tao dito. Sino naman kayang walangya ang magdidikit niyan sa board. Tinitigan ko naman mabuti at may nakadrawing pang parang sign na dragon at may crown sa ulo.
Pero like wtf? Ano naman ginawa ko at nakatanggap ako niyan?
At mas nabubuong tanong sa isip ko sino ang riyujin gang? Andami na talagang pauso ngayon at pati yan pinag-aksayahan pa nila ng panahon.Nakakatawa sila.
Lumabas nalang ako ng room at di na aattend ng class, nakakatamad naman kasi at ayoko mamatay ng maaga dahil sa sobrang pagkabored.
Lumabas nalang ako ng campus at wala rin ako balak umuwi, sermon lang ang abot ko kay tanda dahil sa pagka-cut ko ng class so bakit ko pa sasabihin, sinong tanga nun? Bad girl no? Pero wag kayo, ako pinakamatalino sa klase, top 1 ata to.
Tumambay nalang ako sa isang park. Di naman masyado maraming tao dahil liblib ang lugar na toh. Humiga nalang ako sa mga damo at umidlip sandali. For sure naman wala makakakita sa akin dito dahil dito ako sa pinakadulo ng park at sinasabi ko sa inyo liblib talaga.Atsaka madalim narin naman.
Makakatulog na sana ako kaso nakarinig ako ng di kanais nais na tunog like wtf?Hanggang dito ba naman inaabot sila ng kamanyakan nila.
Napatingin naman ako dun sa puno na sinamdalan ko kanina at sa likod ng puno na yun nanggagaling yung mga sounds sa di kanais nais.
Dahan dahan ako sumilip at sobrang gulat ko talaga sa mga nakita ko. Di man lang talaga sila nahiya sa mga pinag-gagawa nila. Get a room please.
Myghad di ako maka move on sa nakita ko ay sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko pa yung skateboard ko.
Wrong move pa pala yun dahil napatingin sila sa akin.
Gulat na gulat rin silang dalawa ng makita ako.Ano na ngayon ang gagawin ko? What should i say? What shoud i do? Shoud i do something? Or wala? I dont knowww, wala na ako sa katinuan.
Pero alam ko na, nakakahiya naman kasi na naistorbo ko sila."A-a-ano, sige na tuloy niyo na yan he-he-he" awkward kong sabi at tumakbo na ng mabilis.
Tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod na ako. Grabe kasi mga nangyayare ngayong araw like una death threat tapos ngayon etoooo? Sabi ko naman sa inyo dapat bugbugan nalang readying ready pa ako. Sakto naman at napatingik ako sa side mirror ng kotseng katabi ko and myghaaad parang kamatis yung muka ko sa super pula.
Huhuhu, naiiyak talaga ako kasi naman my virgin eyes are goneee. Kailangan ko may mapaglibangan ng tuluyan na mawala sa isip ko yung nangyare kanina. Ano ba pwede gawin ko? Suggest naman kayo oh.
Nagpatingin tingin ako sa paligid at nakakakita ako ng babae na siguro kasing age ko lang at binabastos siya ng mga lalaki.
Naasar tuloy ako bigla.Ililigtas ko ba yung babae? Paano naman kasi di babastusin eh halos isang luwa na ang kaluluwa niya pero dahil kailangan ko makalimutan yung nangyare kanina, at syempre dahil mabait ako tutulungan ko siya.
"Hoyy, mga goons!!!" Sigaw ko sa mga lalaki at sabay sabay pa talaga silang lumingon.
"Pare, swerte natin ngayon, may chicks" sabi ni goons number 1. Mat tattoo pa siya sa balikat niya na dragon eh di naman bagay payatot.
"Baka gusto niya sumali sa laro natin" sagot naman nung isa habang naka smirk. Utang na loob naman, maawa siya sa gilagid niya pa smirk smirk pa siya eh.
"Ang papanget niyo!" Sigaw pa ni ateng isang dangkal nalang ang skirt.
Pero infairness ahh ang honest niya masyado."Tumahimik ka jan!!" Susuntukin na dapat niya yung babae pero humarang ako at mabilis ko nahawakan yung kamay niya at pinilipit.
"A-a-araaaay!!" Maka ngawa naman to parang bata, di pa nga nag uumpisa yung kasiyahan eh. Parang bata tsk.
Bigla naman ako sinugod nung mga kasama niya. Medyo nabobored na ako kaya pinagbabalibag ko nalang sila kung saan saan.
Yung iba naman nagsisitayuan pa at sinusugod ako ng suntok ako naman iwas iwad lang at hanggang sa bumagal na sila at kusang bumagsak sa sahig."Yun na yuuuun?Wala ba kayong mas ilalakas?" Pang asar na sabi ko at inapakan pa yung tyan nung malapit sa akin.
Hahahaha, natatawa ako anlakas nila mang ganun tapos sa akin walang ubra?! Tsk tsk.
Tumingin naman ako dun sa babae, tsk, kaya siya nababastos eh ang igsi talaga ng suot niya at honestly? Ang laswa tingnan.
"Umalis ka na sa harapan ko" sabi ko sakanya at binigyan ko pa siya mg 1000
"Ayan pera, bumili ka ng tela pang dagdag sa tela ng damit mo" dagdag ko pa at hinagis sakanya yung pera.
Tumalikod na ako at akmang aalis, di ko alam kung kinuwa niya or hindi bahala na siya dun basat binigyan ko na siya pambili ng tela.
"Karapat- dapat ka talaga para sa pwesto, Allixena" Di ko maintindihan pinag sasabi niya kaya nilingon ko siya. Paano naman niya ako nakilala? May fan na ba ako ngayon? Admirer? Or worst stalker? Pero babae eh di naman siya mukang tomboy.
Pero bago ko pa siya kwestyunin ay mabilis na siyang tumakbo. Weird, parang tanga lang.
Nag skateboard nalang ako at umalis sa lugar na yun, sabi ko sa inyo andami talaga nangyare this day.
Habang nags-skate board ay nag vibrate yung phone ko and when i look at it. Tumatawag si lolo.
Alam na kaya niya na nagcutting ako? Patay, sermon na naman to pag uwi ko. Bahala na si batman, superman at lahat ng superheroes at sinagot ko na ang tawag ni lolo.
"Why po lo?"
"Umuwi ka na, Allixena" tumigil naman ako sandali sa pags-skateboard kasi parang may mali sa boses ni lolo.
"Bakit po" narinig ko pang napa bugtong hininga siya, may nangyare ba? May problema? Sana naman ay wala.
"Wag ka mabibigla pero kasi...they're gone" nagtaka naman ako sino naman wang nawala pero parang nakaramdam nalang ako ng kaba bigla.
"Si-sino p-po?" Utal utak kong sabi.
"Your parents, they're gone, pa-patay na ang mama at papa mo" bigla ko nalang nabitawan ang cellphone ko sa gulat.
"Shit"

BINABASA MO ANG
Empress' Mission
AcciónI am just a normal girl, i mean I was. Everything change ng mamatay ang mga parents ko at mag ka sakit ang lolo ko. Dahil nga may sakit na ang lolo ko, no choice, ako ang mamamahala ng mga naiwan nilang business. Pero what if, malaman mo na di bast...