Prologue

21.1K 545 9
                                    

Mahirap maiwan mag-isa, mamuhay ng walang kasama, tumira kung saan saan, hamakin ng mundong iyong ginagalawan, pero mas mahirap ang maglakad sa park ng walang laman ang tiyan!
Aba tatlong araw na ata akong di kumakain at kung di pa ako makakakain ngayon aba eh apat na araw ng puro tubig lang ang laman ng aking tyan.
Ang daldal ko di pa ako nagpapakilala, ako nga pala si Miracle Ashtrid Samantha, nagtataka siguro kayo kung alin dyan ang apilyedo ko, sa totoo lang wala akong apilyedo di ko alam ang tunay kong pangalan dahil mula bata ako, Little Princess na ang tawag sakin ng mga magulang ko bago nila ako iwan sa ilalim ng malaking puno na yun, lumaki ako ng mag isa lang, pero hindi ako mangmang, dahil tinuruan ko ang sarili ko kung pano mag sulat at pano mag basa. Oo wag na kayong magtaka at wag na kayo magtanong sa kalsada lang ako nakatira swerte ko nalang hindi ako mangmang.

Nandito ako ngayon sa isang swing ng isang park nakatunganga sa kawalan, nag iisip ng kung anu-ano, tatayo na sana ako ng may marinig akong tumatawag,

"Ate, ate!"

Hindi ko pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagtayo ng magulat ako kase kaharap ko na yung bata, ang cute nya grabe, pero mas ikinagulat ko ang sinabi nya.

"Ate, ate ang ganda mo po!"

O____O

Tiningnan ko pa kung may tao sa likod ko pero nagulat nanaman ako ng bigla nyang kinuha ang kamay ko at may isinuot na bracelet.

O____O.

Grabe ang ganda ng bracelet meron syang design na Cresent moon na crystal, may mga star na maliliit na iba't ibang kulay na nakapaikot sa Cresent moon. Nabalik ang ulirat ko sa sinabi ng bata.

"Ayan ate bagay sayo, may kapares na ang kwintas na suot mo!"

"Pano mo nalaman ang kwintas na suot ko?"

Nagtatakang tanong ko, ngunit ngiti na lamang ang sinagot sakin ng bata at mga katangang nagpawindang sakin.

"Malapit mo ng makilala ang sarili mo, at babalik ka sa iyong pinanggalingan"

At tumakbo na, napaupo akong muli sa pagtataka dahil walang nakakaalam na may kwintas ako, dahil hindi ko naman inilalabas ang kwintas ko, ang sabi ni Mommy noon ingatan ko ito kaya hindi ko hinuhubad ito sa leeg ko. Napatingin na lamang ako sa malayo ng maalala ko ang huling mga salitang natala sa aking isip.

***********************************************************************************************

AN: Sana po basahin nyo ang story ko baguhan lang po ako sa Wattpad first time ko din po gumawa ng story at mag express ng mga thoughts ko, sana po Suportahan nyo ako Please Vote and Comment para po malaman kong may nagbabasa ng story ko, and kakapalan ko na po pls follow me po. Salamat and Godbless sa inyong Lahat!! muah <3

Heart of a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon