Chapter 1

14.1K 401 17
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa park, namalayan ko nalang ang sarili Kong naglalakad patungo sa lugar kung saan ako iniwan ni Mommy at Daddy, hinding hindi ko malilimutan ang punong iyon, puno sa gitna ng gubat kung saan nila ako iniwan.

"Wow ang tanda mo na ahh matagal na tayong di nagkikita"

Para akong timang dito kinakausap ko ang punong walang malay, hay ano ba yan! Nandito na ako sa puno, sa lugar kung saan ko huling nakita sila Mommy at Daddy sa pagkakatanda ko may gamit akong naiwan dito eh nasaan na ba yun?

-Flashback-

"Mommy mommy bakit po tayo nandito sa gubat? bakit po kayo nagmamadali? Bakit po tayo tumatakbo?"

Sunod sunod na tanong ko.

"Anak wag ka na munang magtanong malapit na tayo" sabi sa'kin ni Daddy Nang makarating kami sa isang malaking puno Sa gitna nang gubat.

"Baby princess makinig ka kay mommy kung ano man ang mangyari palagi mong tatandaan na mahal ka namin ni daddy"

napatingin ako sa mommy ko dahil Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nya, pero laking pag tataka ko dahil mababasa mo sa mga mata nya ang lungkot.

"ma-mommy ano po ibig nyong sabihin?" kinakabahan na ako ngumiti si mommy nang may halong lungkot.

"be-Baby pri-princess ka-kaylangan ka namin iwan dito ni daddy La-lahat ng ito anak para sa kaligtasan mo"

"Mommy wag nyo po a-ako iwan huhu daddy" *sob, Sob*

lumuhod si daddy sa harap ko at niyakap ako ng mahigpit

"baby princess mahal ka namin ni mommy tandaan mo yan" nag pipigil si daddy ng iyak habang sinasabi nya sa'kin yun.

"Para ito sa kaligtasan mo, wala man kami sa iyong tabi palagi kaming nandyan sa puso mo ano man ang mangyare palagi mong tatandaan maging mabuti ka, ang lahat ay naka takda sa lugar na ito hindi ka mapapahamak, sa lugar ding ito aalis ka ngunit muli kang ibabalik." mahabang pahayag ni daddy.

Hindi ko man masyong naiintindihan ang nais nilang ipahayag sa akin tumango nalang ako habang umiiyak.

"little princess ingatan mo ito" sabay abot nang isang baul na maliit sa akin ni daddy.

"itago mo ito at ingatan mo sa pagtapak nang buwan nang ikalabing walong taon ng iyong kaarawan buksan mo ito, dahil ito ang kukumpleto sa pagkatao mo, ito ang mag dadala sayo nang liwanag at nang dilim"

naguguluhan pa man ako Tinanggap ko ito at marahang tumango.

"Mahal ka namin aming munting prinsesa, ano man ang matuklasan mo sa pagdating nang panahon totoo ang pag mamahal namin"

tuluyan nang umiyak si daddy.

"Wahhhh huhuhu daddy mommy *sob sob* mahal ko po kayo *sob*"

"nawa manatiling busilak ang puso mo anak"

sabi ni mommy at hinagkan ako ganun din si daddy.

"paalam Aming prinsesa"

At tumayo na sila at wala nang lingon lingon na tumakbo palayo sa akin hindi ko pa man lubos na maunawaan alam ko na para sa akin ang ginagawa nila.

Naupo ako sa ilalim ng napaka laking puno, iyak lamang ang tangi kong nagawa masyado pa akong bata para maiwang mag isa pero alam ko sa sarili ko malalagpasan ko ito. Ng dahil sa pagod hindi ko namalayang naka tulog na ako, na tanging kasama ay ang baul Na iniwan sa akin nila daddy.

Kinabukasan pag-gising ko walang pag babago nasa gubat parin ako kalapit ang napaka laking puno yakap ang maliit na baul na bigay ni daddy, hindi ko man alam ang mangyayare sa akin ngayong mag-isa nalang ako, isang bagay lang ang natitiyak ko, yun ay ang itago ang baul na hawak ko ngayon, tumayo na ako sa aking pag kakaupo at pinagmasdan ang buong paligid napakaganda nang gubat na ito ramdam ko ang paghaplos nang sariwang hangin sa akin tila ba niyayakap ako nito na parang sinasabi na malungkot man ang mag isa wag kang mag alala hindi kita papabayaan.

Heart of a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon