Chapter 8: Conflict

1 2 0
                                    

Chapter 8: Conflict

           Xyla's Point of View

Mabilis na lumipas ang mga araw. Monday na ngayon.
Malapit na din ang kasal namin ni Liam, pero sa tingin ko, hindi ko pagsisisihan ang mga nangyayari saakin ngayon.

Bumaba ako sa mula sa kwarto at naglakad papunta sa kusina.
Maaga pa naman kaya  tutulungan ko muna si Mama.

"Ma, ako na lang maghahanda diyan."  Napatingin naman saakin si Mama na nakakunot-noo.

"Anak! Ba't andito ka pa?" tanong ni Mama.

"Ehh? Maaga pa naman po Ma, kaya tutulong muna ako sayo." I answered.

Nanatiling kunot ang noo ni Mama. Biglang napabuntong- hininga si Mama.

"Makakalimutin ka na din ba ngayon, Anak? Ngayon ang punta niyo do'n sa shop na pagsusukatan mo ng gown mo diba?"

"Eh? Wala ka naman pong nabanggit Ma."

"Hays!Nevermind, sige na, punta ka na sa taas. Magpalit ka na!"

Lumapit si Mama saakin at hinarap ako sa direksiyon palabas ng kusina.

"Sige na!Punta ka na sa taas! Maghahanda lang din ako, dadalaw ako ngayon sa Papa mo." Mama said.

Tumaas naman ako at naligo.
Pagkatapos kung maligo, nagbihis lang ako ng Simple Floral Dress na kulay Blue. Favorite ko eh! hindi ko na tinali ang buhok ko at hinayaan ko lang na sumayaw sa hangin.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako at pumuntang kusina.Nadatnan ko si Mama na naglalagay ng pagkain sa baunan.

"Ma, di ba ako papasok sa School?" I asked.

Tiningnan lang ako ni Mama at bumalik ulit sa ginagawa niya.
"Pinaalam ka na ni Liam, so you have nothing to worry about, saka 5 days kayong hindi magka-klase."

"5 days? Hala! Antagal naman po ata niyan Ma!"

"Hindi ka siguro nakikinig noh? Pinaalam na kayo kasi whole week ang preparation niyo para sa wedding."

Tumango lang ako sa sinabi ni Mama kahit di niya naman nakita.

"Mamaya pupunta dito si Liam! Kumain ka na muna bago pumunta do'n."

Lumapit ako sa may lamesa, hinila ko yung upuan at naupo.
Ipinagsandok naman ako ni Mama ng kanin at ulam.
Kumain lang ako ng tahimik. Si Mama patuloy pa din sa ginagawa niya.

Pagkatapos kung kumain, niligpit ko na 'yong pinagkainan ko. Naghintay lang ako sa may sala.

Nakarinig ako ng busina mula sa labas, kinuha ko ang sling bag ko na kulay Blue at tinahak na ang daan palabas.
Mula sa labas ay nakita ko na yung kotse ni Liam. Bago ako lumabas,pasigaw na nagpaalam ako kay Mama.

"Ma, Alis na ako!" paalam ko.

Nung wala akong narinig na sagot, lumabas na ako. Ganyan talaga si Mama. Sumpungin.

Paglabas ko pa lang, mukha agad ni Liam ang nakita ko.
Buti na lang medyo distant ang mukha ko sa pinto, kung hindi, Naku!

"Ba't andyan ka diyan?" I asked.
Napa-pout naman siya sa tanong ko.

"Ang tagal mo kasi eh! Papasok na sana ako." he answered.

Naglakad na ako papunta sa kotse niya."Kumain ka na ba?"

Naglakad siya papalapit saakin." Hindi pa." and then, he pouted again." Kain tayo mamaya, ha?"

I nodded as a response.
Sumakay na din siya sa drivers seat at inistart ang kotse.

----------------------

After 30 minutes, narating na namin agad ang shop, kung saan ako magsusukat.
Bumaba ako sa kotse at si Liam.

Pagpasok pa lang namin sa shop, tumambad agad saakin ang mga magaganda at sa tingin ko'y mga mamahaling wedding gown.
May lumapit saaming isang babae, I think she is the manager of the shop, by the looks of it. Ang ganda niya kasi eh, kaso ang suot niya parang hindi pang manager. Tsk. Naka- blouse ba naman at naka- shorts ng maikli. Na- conscious naman ako bigla sa hitsura ko. Napatingin naman ako kay Liam, I thought na nakatingin siya sa babae but I was wrong, Nakatingin siya saakin.
Namula ako kaya, umiwas ako ng tingin.

" Good morning Ma'am and Sir!" bati saamin. " I am Sasha Mattel and I am the manager of this shop. " she said while plastering her Colgate smile.

" I'm Liam Del Valle and this is my fiancee *sabay turo saakin* gusto kong sukatan niyo siya."

Nakita kung medyo umiba yung timpla ng mukha ni Sasha pagkarinig niya ng salitang fiancee. Sabi na eh! Di nga ako nagkamali.

" Ok! Liam. " she said and smile.

Narinig ko namang tumikhim si Liam." Call me Sir!"

" Why? I can call you whatever I want and you can't do anything about it." I saw how Liam's face darkened.

" You are not my friend nor relative, so stop calling me in that way!" he said. Patay. Sumabog na ang taal.

"Hey! are you raising your voice on me?"

Baliw. Tinanong pa -_____-

" are you some mental patient or what?" Liam.

" how could you?!"

Hindi na ako nakapag-pigil kaya sumingit na ako.

" Hey! Madam! Nandito kami para magpasukat at hindi makipag-away o makipagdaldalan, kaya please just do your job." I said.

Napatahimik naman ito at hindi makapaniwalang tinitigan ako.
Tiningnan ko si Liam." Hey! hanap na lang tayo ng ibang shop! hindi naman pala maganda ang inereto saatin ni Mommy Nats." I said while still looking at Liam.

Dinukot ni Liam ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa. Nang nakuha na niya ito, nagsimula na siyang magtipa.

"Hello Mom!" said Liam.

[Yes? Baby?]

"Mom! are you really sure maayos 'tong nakuha mong manager, Mom?"

[Why baby? may nangyari ba?]

"Mom! Can I fire her?"

[What?! Ano ba talagang nangyari Anak?]

"I'll explain later Mom, pero sa ngayon, aalisin ko na siya Mom!"

[Ok! Ok! Baby! I ha-hung up ko na Anak ah? may gagawin pa si Mommy mo eh! Geh! Bye baby!]

"Ok Mom"

Ibinaba na ni Liam ang cellphone niya at tumingin sa manager na kanina pa namumutla.

"You're fired, Ms. Sasha Mattel. Magsimula ka nang mag alis ng gamit mo."he said.

" W-what? No! Sorry Mr. Del Valle! but please don't do this to me!" maluha-luhang sabi ni Sasha.

"Tsk. Alis na!" simpleng sagot ni Liam.

Lumuluhang umalis si Sasha, ng nawala na siya sa paningin ko, tiningnan ko na si Liam.

"Liam, bat mo naman pinaalis?" I asked.

"Wife, di mo ba nahalata? Linalandi niya ako." he answered.
Napatikom naman ako, Oo nga, I know na nilalandi siya nung babaeng yun, pero hindi naman ata tama yun, Right?

"You know what wife, If you think na hindi tama ang ginawa ko, then fine, Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan."

Nagsimula na siyang maglakad palayo.
Pero bago pa siya makalayo, nagsalita ulit siya." I just did the right thing wife, Naiisip ko tuloy na pinapakita mo lang saakin na, Ok lang na may lumandi saakin, kasi wala ka namang pakialam saakin." he said at nagpatuloy sa paglakad.

Naiwan akong nakatulala, Oh my god! What have I done?

Behind the GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon