Chapter 6: Transferee

12 2 0
                                    

Chapter 6: Transferee     

           Xyla's Point of View

"Xy!" Lumingon ako sa nagma-may ari ng boses.Kala ko kung sino. Si Claire lang pala.

Lumapit saakin si Claire na may malaking ngiti sa labi. For sure may ibabalita to.

"Xy! Nabalitaan mo na?!" tanong ni Claire,kita mo yung excitement sa mga mata niya. Sabi na eh.

Iling lang ang sagot ko. Napa-roll eyes naman siya.

"Hays! Kahit kailan talaga Xy! Huling-huli ka sa balita." sabi niya."May bago daw transferee at classmate pa natin! at.. Gosh! Ang gwapooo!"

Di halatang tuwang-tuwa siya noh? Tsk.

"So? nakita mo na ba?" simpleng sagot ko sa kaniya.

Nawala yung kislap sa mga mata niya, dahil sa tanong ko.

"Hindi pa!"

"Oh paano mo nasabing gwapo ha?"

Lumaki yung mata niya sa sinabi ko." Ewan ko sayo Leng!" sabi niya saka naglakad palayo.

Hinabol ko naman siya at sumabay sa kaniyang paglakad.

"Sorry na Clarie!" I said.
I usually call her Clarie pag nanunuyo ako.

"Heh! Don't talk to me!" She said.
Magpapasuyo nga to.

"Ok" I said at tumahimik na. Naiinis na yan eh *pout*.

Nagpatuloy lang ako--I mean kami sa paglakad patungo sa classroom namin.
Pagdating namin do'n. Nagtataka kung tinitingnan isa-isa ang mga kaklase ko. Anong nangyari?

Kinalabit ko yung isa kong classmate. Tumingin naman siya saakin.

"Ano yun, Pres?" Rey said. Don't get me wrong babae po siya and her full name is Reylika Brentwood. Siya ang class nerd namin, siya yung tipo ng nerd na pag trinansform eh will turn into a Hot Chick. Literally.

"Anong meron? bat parang may pinagkakaguluhan ang mga classmates natin?"

"kasi Pres, may bagong transferee and Gwapo Pres, kaya ganiyan na lang kung pagkaguluhan." She said.

"Ah Ok!" I said.

Lumayo ako kay Rey at naglakad papunta sa harapan. Sa may platform. May nakapansin ata saakin kasi may narinig akong sumigaw. Probably a look out.

" Andiyan na si Pres!"
Nilingon ko kung sino yung sumigaw. Blast Maccarthy.

Nang marinig nang mga kaklase ko ang sigaw bigla silang bumalik sa kanilang mga upuan at parang medyo na tense.

Nung finally wala nang tao sa likod nakita ko na kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

Literal na napanganga ako plus wide eyes. Hindi dahil sa Nagwagwapuhan ako, well gwapo nga kundi dahil siya si..

"Liam!" OoO.

He waved at me and smile.Naupo siya sa katabi kong vacant seat.
Na matagal nang panahong walang nakaupo.

"Woah! Pres! Ba't hindi mo naman sinabing kilala mo pala si Mr. Hot Guy!" sabi ng isa kong kaklase. Ariana Westley. Pero tinatawag namin siyang Ina, hindi Ina na as in Nanay but Ina talaga.

"Oo nga naman Pres!" pagsang-ayon naman ni Hayden Fustia. Hide yung common na tawag namin sa kaniya.

"Shut Up!" I said. Tumahimik naman silang lahat.

Bumalik ang tingin ko kay Liam na kasalukuyang gumagamit ng Cellphone.

Nakatitig lang ako sa kaniya. He's wearing a Blue Polo Shirt, Black Ripped Jeans, High cut shoes and as usual naka- Nerdy Glasses naman siya.

"Pres! Laway mo tumulo na!" sabi ni Jass. Jasstine Kepler.

Napahawak naman ako sa gilid ng labi ko, Wala naman ah?!
Sinamaan ko si Jass ng tingin, napayuko naman ito, inilibot ko ang tingin ko sa loob at nakita kung nagpipigil sila ng tawa.
Nadako ang tingin ko kay Liam, at ang loko pasipol-sipol lang.

"You!" tinuro ko si Liam, natigil naman siya sa ginagawa niya and he mouthed 'what'. " Mr. Introduce your self to us." I commanded.

Lumakad naman si Liam papunta dito sa kinatatayuan ko, pumunta naman ako gilid. Umakyat siya papuntang platform.
Bago siya nagpakilala, Tiningnan niya muna ako, tinaasan ko lang siya ng kilay.

" Hi! Good morning! My name is Liam Izrael Del Valle,but you can call me Scythe. I studied at Malshone Exclusive High and I transferred here because---"

Nag-stop muna siya at tumingin saakin. Tinaasan ko ulit siya ng kilay, napa-chuckle naman siya.

"because my WIFE is here."

Napalaglag panga naman ako sa sinabi niya. Do he really need to say that?!

Nakita ko namang parang binagsakan ng Langit ang mga mukha ng aking mga kaklase.

"Sino ang asawa mo?" Claire asked. Patay.

Nakita ko ang pagkagulat ni Liam ng makita niya si Claire. Ibinaling ko ang paningin ko kay Claire at mukhang kalmado lang naman siya. Anong meron sa kanila?

"My wife is none other than--" pambibitin niya." none other than, Xyla Shanelle Montealegre. "

He said that without breaking an eye contact with me, but I saw his eyes, full of longing. Parang may nami-miss siya, I think.

Narinig ko namang napasinghap ang mga kaklase ko.
Interrogation. May mangyayaring Interrogation mamaya.

        ********************

Behind the GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon