Chapter 9: Surprise
Xyla's Point of View
"Ma'am! "
Ano na gagawin ko? hindi ko naman sinasadya yun eh!
"Ma'am!"
Hay, I need to think fast. Dapat maayos na kami mamaya.
"MA'AM!"
"Ay! Pusa-- Clae! bat ka naninigaw ha?!"
Humalukipkip naman ito." kasi naman Ma'am kanina pa kita tinatawag pero nag fly away na ata utak mo." Clae said.
Siya yung bagong Manager ng Shop ni Mommy, siya si Claeran Matias.
" Tsk, ano ba kasi gagawin?"
" Ma'am wala naman akong ipapagawa, pinapapili lang po kita ng gusto mong gown."
"Patingin nga." I commanded, inabot naman niya ang brochure.
Flip lang ako ng flip ng pages pero wala pa talaga akong mahanap. Ibabalik ko na sana yung brochure kaso--
"Wait!" I said ng akmang kukunin na niya. Binalik ko ulit ito sa paningin ko." I think may napupusuan na ako."
Tinuro ko sa kaniya yung gown na nasa pinakagilid,kaya hindi talaga siya mapapansin." Ito!" ipinakita ko sa kaniya yung gown na gusto ko. Isa itong off shoulder na gown, maganda siya, puting-puti talaga, Simple but elegant.
"Wow! Perfect Ma'am! ang galing niyo pong pumili, Hihihi!" nag-smile lang ako sa kaniya.
Kailangan ko na talaga'ng makipagbati. Pero ano dapat ba ang gagawin ko? Kailangan ko ba siyang i- surprise?
"Ma'am, sa kulay ng motif ma'am, ano yung-- Ma'am nakikinig ka ba?"
Napabalik naman ako ng may nag-wave na kamay sa harapan ko. Tiningnan ko si Clae, nakita ko namang nakataas na ang kilay nito.
" Ma'am, lumilipad nanaman yung utak mo. Tulaley ka nanaman." she said.
" Pasensiya na Clae, may iniisip lang ako."
"Ano ba talaga ang problema mo ma'am? Pansin ko kasi parang ang bigat ng buntong hininga mo?"
" Hays! kasi nag-away-- I mean nagtatampo ata saakin yung husband ko!"
Nag- taas naman ito ng kilay." Maka- husband ka naman Ma'am parang asawa mo na talaga, hindi pa nga kayo kinakasal nag-away na agad kayo."
Tinaasan ko din siya ng kilay. Ha! kala mo ikaw lang marunong." Bakit? Eh sa magiging asawa ko na din naman siya ah, atsaka 'wag mo na akong tawaging ma'am, Xy nalang or Nelle, it's your choice."
" I prefer Xy." she simply said." So, ano na balak mong gawin?"
" Wala pa akong naiisip Clae-- ano ba pwedeng gawin?"
nilagay naman nito ang kaniyang hintuturo sa baba ng kaniyang labi at tumingin sa itaas, na para bang nag-iisip." Hmm, I think kailangan mo siyang i- surprise Xy." tumingin naman ito saakin." Mas maganda yun."
Napakamot naman ako sa batok ko." Ano bang klaseng surprise? "
" Yung hindi niya makakalimutan, in that way, mata- touch siya at magkakabati na kayo. Yun lang."
" Ang tanong effective kaya?" I asked.
" Effective yan swear and kung love ka talaga nang ASAWA mo, bibigay agad yun." sabi niya na in- emphasize pa ang word na Asawa. Tsk.
" Oo na-- pero ano bang surprise yan? may naiisip ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Behind the Glasses
Teen FictionBehind the Glasses, lives a different person, Behind the Glasses, lies a man with full of secrets, Behind the Glasses, Darkness dominantly reign, taking over his feelings. Behind the Glasses by: IshLovesConan (Ish)