Chapter 7: Officially

48 0 1
                                    

Umabot din ng dalawang buwan ang panliligaw ni Brian kay Quenee. Ngunit malapit ng mag-bunga ang mga sakripisyo nito. Dahil sa gabing iyon ay sasagutin na ni Quenee ang binata.

Matagal din niyang pinagisipan ang tungkol sa pag-sagot dito. At ilang beses din niyang napatunayan ang sinseredad nito sa panliligaw sa kanya. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung gano’n ba talaga ang nararamdaman kapag sasagutin mo na yung taong gusto at mahal mo. Para siyang naiihi na ewan. But she was more surprise sa hinanda nitong dinner date nila. Sumakay sila sa yate na ayon dito ay pagmamay-ari daw ng pamilya nila. Doon ay naka-set ang dinner table for the two of them. Habang kumakain sila at umaandar ang yate ay natatanaw nila ang mga ilaw na nagmumula sa siyudad. Napaka-payapa ng gabing iyon. Nalalatagan ng bituin ang malawak na kalangitan. Hindi niya inaakalang napaka-sweet ni Brian. Every single day na nakakasama niya ito ay mas nahuhulog ang loob niya dito.

After having their dinner, nag-tungo sila sa deck ng yate at tahimik na pinag-masdan nila ang dagat. Nilamig siya kayat niyakap niya ang kanyang sarili. Mukhang napansin naman iyon ni Brian dahil hinubad nito ang coat na suot nito at ipinatong sa balikat niya.

'Thanks.' Usal niya pagkalagay nito ng coat sa balikat niya.

'For?' Kunot-noong tanong nito.

'Sa lahat-lahat. Specially for pampering me this much.'

'Anything for you Quenee. Alam mo naman na.....mahal na mahal kita.' Ibinalik nito ang tingin sa lawa. 'Kelan mo ba ako sasagutin? Medyo matagal na rin akong nag-hihintay sa sagot mo.'

Nilingon niya ito. 'Bakit, naiinip ka na ba?'

'Hindi naman sa ganun....' anitong hindi pa rin siya tinitignan.

'Are you willing to wait until forever?' She asked out of the blue. Ang totooy gusto lamang niyang marinig ang maaaring isagot nito sa tanong niya.Natigilan ito sa tanong niya. 'O, bat natahimik ka?? Akala ko ba mahal mo ako?'

Bigla itong tumingin sa kanya. 'Syempre naman mahal kita! God knows Quenee. But to wait forever?? Kaya kong mag-hintay ng ganun katagal, pero kung naghihintay lang ako sa wala, mas mabuti pa sigurong.... sabihin mo na, hanggang magkaibigan lang tayo kesa paasahin ako. Sapat na sa kin yung malaman mong mahal kita.' Bakas ang lungkot sa mata nito sa mga huling sinabi nito.

Ngumiti siya at ikinulong sa mga palad niya ang mukha nito. 'Joke lang. Binibiro lang naman kita, sineseryoso mo na agad. Sige na nga, tutal, super effort ka naman na, ang sagot ko sa matagal mo ng tanong is.... yes.'

'A-anong sabi mo??' Gulat na tanong nito. Excitement was now all over his gorgeous face.

'Humpt! Hindi ka naman nakikinig eh!' Reklamo niya.

'No, gusto ko lang na ulitin mo, yung malinaw kong maririnig.'

'Sabi ko, sinasagot na kita. At Oo, mahal din po kita. Malinaw?? O, saan pang malabo dun at----' she hang in mid-sentence when he gave him a peck on the lips. Smack kiss lang yun pero nag-dulot iyon ng milyong-milyong paro-paro sa kanyang tiyan.

'Promise yan?? Wala ng bawian??' Nakangiti na ito.

'Aish!! Silly bastard! Hinalikan mo na nga ako, ayaw mo pa maniwala.' Hinampas niya ito sa braso. Tumawa naman ito at niyakap siya. She hug him back. Magaan ang pakiramdam niya, lalo pa't sigurado siyang ang lalaking kayakap niya ay mahal niya at mahal din siya.

Ilang minuto pa silang nanatili sa ganung posisyon hanggang sa yayain niya na itong umuwi. Pag-dating sa bahay nila ay pinatuloy muna ito ng mama niya. Walang ag-aalinlangan naman na sinabi niya agad sa ina ang relasyon nila. After all, her mom was really supportive to her in all aspect. They exchange I love you's bago umuwi si Brian. Natulog siyang may matamis na ngiti sa labi ng gabing iyon.

*****

Pumipito pa si Brian pag-uwi niya ng bahay. Naka-lock na ang pinto pero may dala naman siyang duplicate key, batid niyang tulog na ang mga kasama niya sa bahay sa mga oras na iyon. Dumiretso siya sa kusina pagka-pasok niya sa bahay. Naabutan niya ang mommy niya na nag-kakape. Humalik siya sa psngi nito.

'Bat gising ka pa ma?' He asked.

'Ikaw, saan ka galing.' Balik tanong nito sa kanya.

'Out for a date.' Kumuha siya ng inumin mula sa ref at nag-salin sa baso.

'As usual. Date at babae nanaman. Who's the lucky victim again?' Sarkastikong saad ng mom niya.

'No mom, she's not a victim, ako nga ata ang biktima eh. Iba siya sa lahat ma.' Seryosong sagot niya.

'What do you mean??' Naguguluhang tanong uli nito.

'Eh kasi ma, ba nga si Quenee. She's the kind of woman na nakikita at pinapangarap kong maging asawa sa hinaharap. Ma, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling. I never been this happy before.'

'Kaya pala lagi ka ng sumasama sa’ming mag-simba. At sabi pa ng tita mo, hindi ka na raw masyadong lumalabas ngayon kasama ng barkada at kung sino-sinong babae.  Nag-bago ka na nga.' Ginulo nito ang buhok niya.

'Yun ay dahil mahal ko talaga si Quenee mom. At ayokong masaktan siya ng dahil sa akin. Sinagot na nga po niya ako eh.'

'Talaga? That's good then. Kaya pala para kang lutang kanina. And, I'm also happy for yo son. Kung may time, pakilala mo siya sa min para naman mapasalamatan ko siya.'

'Sure ma.' Tumatangong sagot niya.

'Okay, I'll go ahead and sleep. Ikaw din, matulog na okay?' Tumayo na ang mommy niya at nagsimulang mag-lakad palabas ng kusina.

'kay', goodnight.'

Matapos makiag-usap ay bumalik na sa kwarto ang mama niya. Siya naman ay nag-tungo sa terrace nla sa likuran. Sariwa ang hanging anyang nalalanghap na nag-mumula pa sa dagat. Naririnig niya ang pag-hamas ng alon sa dalampasigan. Tanaw din niya ang malaki at maliwanag na buwan maging ang mga nag-kalat na bituin. Napangiti a siya ng biglang dumaan ang isang bulalakaw. Kung gaano yun kabilis nagliwanag sa kalangitan ay ganoon din yun kabilis nawala. Salit pa'y pumasok siya sa bahah upang kunin ang kanyang violin na ligaro sa kanya ng lola niya. Sampung taon pa lang siya ay marunong na siyang tumogtog niyon. Pagka-kuha niya niyon ay bumalik siya sa terrasa. Inayos muna niya ang string ng violin tyaka iyon pinatugtog. He played the song Heaven by Bryan Adams.

I'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon