Monthsary nina Brian at Quenee. Planado na ni Brian ang lahat para sa surprise niya sa dalaga. Sa isang bar na pagmamay-ari nila niya ito dinala. Silang dalawa lamang ang andun dahil pinasara niya iyon. After they eat, nilabas na niya ang regalo niya para dito. Binuksan iyon ni Quenee. It was a silver heart-shaped musical box at napakaganda ng musikang nagagawa nito.
'Nagustuhan mo ba?' Tanong niya.
'Yeah of course.' Maluha-luhang sagot nito.
'Happy monthsary babe.' He reach for her hand na nakapatong sa mesa. Kumukislap ang mata niya habang nakatitig dito. But Quenee didn't answer. Sa halip ay may kinuha ito mula sa shoulder bag nito at iniabot sa kanya.
'Happy monthsary. Sana magustuhan mo iyan.' He opened the gift. Napangiti siya dahil isa iyuong picture puzzle, at siya ang nasa picture. Ang ipinagtataka niya lamang ay kung saan nito nakuha ag picture niya. Wala siyang natatandaan na binigyan niya ito ng picture.
'San ka kumuha ng picture ko?' Hindi niya naiwasang itanong.
'I have my connections. Hehe. Kinausap ko si Kai at humingi sa kanya ng picture mo. Yung mga ibinigay niya sa kin, inayos ko to form that puzzle.'
'Talaga? Ikaw ang gumawa nito??' Gulat pang tanong niya. He didn't expect na mag-e-effort ito ng ganun sa regalo na ibibigay nito.
'O-oo. Bakit? Hindi ba maganda?' Nag-aalangang hayag nito.
'No. Its beautiful. Actually, its the most beautiful art I ever seen in my whole life. I didn't expect this, thank you, thank you so much especially for the effort and for the love you gave to me.' Tumayo siya at niyakap ito ng mahigpit.
'Wala yun. Simple lang yan kumpara dito sa ibinigay mo sa kin'. Meron pa nga pala akong ipapakita sayo.' Mula naman sa paper bag na dala nito ay inilabas nito ang isang album. Nilapag nito iyon sa harap niya. Isa isa naman niyang binuklat ang mga pahina. Sa unang pahina ay andun ang kwintas na ibinigay niya. Ang mga sumunod na pahina naman ay puro pictures niya mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
'Anong gagawin mo dito?' Nagtataka kasi siya kung bakit may album ito ng pictures niya.
'Itatago, syempre, para naman kahit malayo ka, parang lagi kitang nakikita.' Halos maiyak na siya sa pagka-touch sa ibinigay at ginawa nito. Niyakap niya uli ito ng mahigpit, then he gently kiss her forehead.
'Thank you so much. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para masuklian lahat ng to. You gave me so much love. So much than I expected...'
'You don't have to do anything para masuklihan lahat ng iyan. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa pagmamahal na binibigay ko sayo eh. Just knowing that you also love me is enough.' Hinaplos nito ang pisngi niya. Hindi na niya pinigilan pa ang mga luhang lumabas sa mga mata niya. He felt so overwelmed by her words. Wala na yatang mas sasaya pa sa nadarama niya ng mga sandaling iyon.
*****
Matulin ding natasapos ang halos siyam at kalahating buwan, malapit na ang graduation nila Brian. And he will be graduating as the valedictorian of the entire forth your population of their school. At, maging si Quenee ay nakuha ang pagka-valedictorian kahit iyon pa lamang ang kanyang unang taon sa naturang paaralan. Pero pareho man silang may na-achive, nalulungkot pa rin sila sa pagsasara ng klase. At dahil Senior na si Brian, ibig-sabihin ay magkakahiwalay na sila. Ga-graduate na kasi ito.
'Pppsssttt.... babe...' tawag ni Brian sa kanya. Nakaupo sila sa silong ng isang puno sa may soccer field. Busy siya sa pag-susulat sa scrap-book niya.
'Hhhhmmmmm?????' She uttered.
'Lets go somewhere.' Anito.
'At bakit?' Sinulyapan niya ito.
'The boredome is killing me here. Tara date tayo sa ibang lugar.'
'Nabobore ka na na kasama ako??' Tila nagatatampong wika niya.
'Baby naman, hindi ganyan ang ibig kong sabihin. Let's go somewhere, tara na!' Tumayo na ito at inilahad ang kamay sa harapan niya.
'At kung ayoko??' Pang-iinis niya dito.
'Tatayo ka diyan oh bubuhatin kita?' Pag-babanta naman nito.
'Oooopppsss.... heto na, tatayo na.' She heared him chuckeled. Pagtayo niya ay magkahawak-kamay silang naglakad.
'Saan ba tayo pupunta?'
'Kahit saan. Kahit pa sa buwan, basta andun ka.' Makahulugan ang tinging ipinukol nito sa kanya.
'Ilang linggo na lang, graduate na ko. Wag mo akong ipagpapalit sa iba ah?' Makaraay sabi nito habang nag-lalakad sila.
'Bakit? Sa tingin mo ba makakahanap pa ako ng isang gaya mo?'
nagkibit-balikat lamang ito. 'Malay ba natin kung makahanap ka pa ng higit sa kin.'
'Babe, wag kang gayan. Hindi na nakakatuwa.' Saway niya dito. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. 'Makahanap man ako ng higit sayo, Alam ko, ikaw at ikaw pa rin ang gugustuhin at hahanap-hanapin ng puso ko....' then she hugged him. 'Ma-mi-miss kita babe. Ngayon pa lang, nami-miss na kita!'
Hinigpitan naman nito ang pag-yakap sa kanya. 'Mami-miss din kita. Yung kakulitan mo, yung pag-aalaga mo. I will miss the times you are whispering to my ear the words I always wanted to hear.' Puno ng damdaming saad nito.
'I love you, no matter what will happen, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.'
'And I love you too...' then he kissed her on the forehead.