I'll Be
By: MsMhae
(Inspired by the song I'll Be by Edwin McCain)
Chapter 1: New School
Nakabihis na si Quinee at handa na sa pag-pasok ngunit nananatili siyang tahimik at nakapangalumbaba habang nakatitig sa pagkain. Dapat ay masaya siya dahil iyon ang unang araw niya sa kanyang bagong paaralan. Subalit mukhang wala siya sa mood na ma-excite. Ang kanyang kuya Kirby ay bihis na din at ito ang mukhang excited na sa pag-pasok. Magkahiwalay sila ng building sa papasukan nilang school dahil first year college na ito samantalang second year high school siya. Isang exclusive school sa Bulacan ang papasukan nila.
'Quenee...' tawag ng mama niya. Napansin kasi nito ang pananahimik niya.
'Ahm, bakit po ma?' Sagot naman niya.
'Kanina ka pa tulala, may sakit ka ba?'
'Ah wala, wala po ma. Okay lang po ako.'
'What are you thinking? Sige na anak, sabihin mo na sa kin.' Anito.
'Ah ma, kung bumalik na kaya ako sa Manila? Total, andito naman po si kuya, isa pa, kaya ko naman po ang sarili ko.' Sagot niya. Pareho silang lumaki ng kuya niya sa Manila, at ngayon lamang sila umuwi sa probinsyang pinag-mulan ng kanyang ama. She grew up na ang mama niya ang laging nasa bahay at kasama nila. Ang dad niya kasi ay madalas bumalik dito sa Bulacan para asikasuhin ang negosyo ng lolo't lola nito na ipinamana dito. But his father unfortunately died a few months ago. At sa kanila lahat iniwan ng daddy niya ang mga kayamanan at negosyo ng pamilya nito sa Bulacan. Kaya andito siya ngayon. Mahal niya ang daddy niya ngunit labag sa kalooban niya ang pag-lipat ng bahay at ng school.
'Quenee, diba napg-usapan na natin ito?'
'Eh, mas gusto ko po kasi sa Manila. Kahit kay granny na lang po ako tumira at hindi sa dati naing bahay, okay lang po sa akin un.' Litanya niya.
'Quenee diba sinabi ko na sa iyo yan??' Anang kanyang ina sa mahinahong tinig. 'Ipinaliwanag ko na iyan ng ilang beses, hanggang ngayon ba naman iyan pa rin ang iniisip mo? Anak naman, naiintindihan ko kayo, Alam kong nahihirapan pa kayo sa ngayon pero natitiyak ko namang isang araw ay masasanay din kayo dito. Iniwan sa atin ng daddy mo ang mga negosyo, pati na rin itong bahay, matitiis mo bang pabayaan na lang natin ang lahat ng ito?'
Hindi naka-imik si Quenee. Naisip niyang tama ang mama niya, iniwan sa kanila ng kanyang ama ang mga negosyo, kabilang na ang dalawang bahay at lupa, dapat lang na alagaan nila at pag-yamanin ang mga ala-alang naiwan nito sa kanila.
'I'm sorry ma, di na po mauulit.' Hinging paumanhin niya dito.
Ngumiti ang mama niya. 'O siya sige na, kumain ka na baka mahuli pa kayo sa klase.'
'Morning tita!' Bungad na bati n Brian sa kanyang tita. Nasa sala ito at mukhang hinihintay talaga ang kanyang pagbaba. Hinagkan niya ito sa pisngi. Alam na niya ang sasabihin nito.
'You are eight minutes and five seconds late.'
'I'm sorry tita, masakit po kasi ang ulo ko kanina.' Nakaugalian na niya ang magpahuli ng gising kahit pa may pasok.
'Palusot nanaman.'
'Tita naman.....'
'Hhhmmmm... alam ko na iyang sasabihin mo. Tara na at ng makakain ka na, andun na ang dalawang kapatid mo.'
'Thanks tita.'
Old maid ang tita ni Brian. Kung tutuusin ay hindi pa ito masyadong matanda. Forthy eight pa lamang ito. Ngunit mukhang wala sa sistema nito ang salitang 'pag-aasawa'. Nakatira ito sa kanila , ito na rin kasi ang bunsong kapatid ng kanyang papa. Apat sila at pangatlo ang kaniyang papa. Brian could say that she's the very best aunt in the world. Mula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kanilang tatlo ng ate Bea niya at ng kapatid niyang si Bianca. Kahit pa sabihing andun ang kanilang mommy at daddy, marami pa rin sa kanilang oras na ang kasama nila ay ang butihing tiyahin.
Pagdating sa dinning room ay naabutan niya ang kanyang ate at kapatid. He was the middle child and the only thorn between the two roses. Pero kahit unico hijo pa siya, pantay naman ang pagtingin ng kanilang mga magulang kasama na ang kaniyang tita sa kanilang tatlo.
Tumabi siya sa kaniyang ate, ang tita naman niya ay tumabi kqy Bianca. 'Si Brian, as usual ganito nanaman ang gising.' Sabi ng ate niya habang hinihiwa nito ang hotdog.
'Shut up.' Brian answers.
'Kuya, tama naman si ate. Senior ka na pero ganyan pa rin ang asal mo. Baka naman mawala ka sa honor niyan.' Sabad naman ni Bianca.
'You know what Bianca, iba naman ang oras ng Pinas sa Amerika. Tiyaka, yung sinasabi mong mawala ako sa honor, that's impossible darling! I can still make it to the top.'
'Mr. Brian Chui talks again. Bigla atang humangin, pansin niyo ba?' Baling ng ate niya sa mga kasalo sa hapag.
'Know what? Nakakabagot na ang ganitong topic. Its always me na napapansin niyo. Well, nawalan na ako ng ganang kumain. In fact, late na rin naman na ako.' Brian look at his wrist-watch, it was eleven minutes pass seven. Eight pa ang first subject niya ngunit sa tuwing siya ang pinag-uusapan, lalo na sa harap ng hapag ay nagba-back out siya. Tumayo na siya at kinuha ang kaniyang bag. Pagkatapos magpaalam sa kaniyang tita at mga kapatid ay lumabas na siya. Sa harap ng bahay ay sinalubong agad siya ng driver. Sumakay na siya sa kotse; ilang sandali pa'y malayo na sila.
A.N: Reader's, any reaction po sa chapter one??? Pa-comment na lang po :) hihi. Willing ako mag-basa ng mga comments at feedback's mula sa inyo, promise!!!!! Hehe.