Chapter 12: In that room in Paris (Part I)

48 0 0
                                    

A.N: Warning.... may b.s po to >_< hehe.. pero di ko na ire-restrict. I'll just elaborate it lightly ^_^v

'This is it!! Paris, France. Ano Quenee, maganda ba?' Nakangiting binalingan siya ni Brian.

After ng pangungulit at pangungumbinsi nito ay sa wakas pumayag din siyang sumama dito sa France.

'Breathtakingly beautiful....' halos di naman siya kumukurap sa pagka-mangha niya sa ganda ng paligid.

She heard him laugh. 'Sobra ka atang na-amaze ah??' Pang-aasar nito sa kanya.

Inirapan niya ito. 'Eh ano naman sayo??'

Lalong lumakas ang pag-halakhak nito.

'Uuyyyy pikon. Haha! Your really cute kapag naasar!' ^_^

Tinignan niya ito ng masama.

'Alright! Tama na nga. Come on, hanap na tayo ng matutuluyan ng makapag-pahinga ka na. I know your tired from the long travel.' Anitong kumindat pa tyaka umakbay sa kanya. Hindi na lamang siya kumibo at nag-patangay na lang dito.

Pumara naman si Brian ng taxi. Buti na lamang at nag-aral ng wikang French si Brian kaya't maayos ang pakikipag-usap nito sa mga tao doon. Dinala sila ng driver sa isang apartment building.

'What are we doing here?' Nag-tatakang tanong niya habang paakyat sila dala ang kanilang mga bagahe.

'I own a unit here.' Matipid na sagot nito.

Huminto sila sa tapat ng isang pinto. Nag-enter ito ng code tyaka bumukas ang pinto. Maliit lamang ang apartment nito ngunit maganda at maayos naman ito.

'Sabi mo kanina hahanap pa tayo ng matutuluyan, eh may unit ka naman pala dito.' Saad niya.

Ibinaba naman ni Brian ang mga dala-dalang gamit at pabagsak na umupo sa sofa. 'Sorry I didn't mention it earlier.' Hinilot nito ang sintido.

'Ma-masama bang pakiramdam mo?' Bigla ay sinakluban siya ng pag-aalala ng makitang nakakunot ang noo nito habang hinihilot ang sintido.

'Nah. I'm fine. Kaunting pahinga lang toh. Sige na, go inside the room. Isa lang kwarto ko dito, ikaw na muna dun. Dito na lang ako mag-papahinga.' Humiga ito sa sofa.

'A-ayos ka lang ba jan? Ikaw na lang sa kwarto, ako na lang dito.' Tanggi niya sa alok nito. Nag-aalala na talaga siya. Kanina lamang ay masigla at maayos pa ito.

'Just go Quenee. Jetlog lang to.' Sagot naman nito habang naka-pikit.

Hindi na siya nag-salita at sumunod na lamang sa sinabi nito. Ayaw niyang magalit ito at masigawan siya kaya't sumunod na lamang siya.

*****

Biglang nakaramdam ng sakit ng ulo si Brian habang papanhik sila sa kanyang apartment. He doesn't felt that kind of pain for a long time since the accident. Ngayon lamang uli. Ayaw naman niyang mag-alala ng husto si Quenee sa kanya kaya't nag-kunwari na lamang siyang may jetlog.

Pag-alis ni Quenee ay kinuha niya ang kanyang gamot mula sa kanyang traveling bag at ininom iyon, tyaka siya nahigang muli. Ilang saglit pa'y nakatulog na siya.

I'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon