Chapter 26: For the better

6.4K 35 1
                                    

Rianne's POV

Ang tao ay mapanghusga. Wala na silang ginawa kundi punan ang mga mali mo.

Purket naging mali ka noon ay habang buhay kanang magiging ganun.

Wala naba kaming karapatang magbago?

Wala na ba kaming karapatang patunayan ang mga sarili namin?

Nakakapagod na kasi. Yung paulit-ulit mong maririnig sa mga tenga mo ang masasakit na salitang binibitawan ng mga tao sa paligid mo.

Malandi

Parausan

Laspag na

Matabang

Second hand

Pokpok

Slut

Whore

At kung ano-ano pang masasamang salita na ibinabato nila sakin.

Oo totoo! Madumi akong babae! Pero NOON lang yun. NOON lang yun!

May mahal na ako ngayon. At sya lang ang lalaking gusto ko at wala na akong kinikita pang ibang lalaki para makipagtalik.

"Rianne... "naramdaman ko ang paglapat ng ulo ni Yuki sa balikat ko.

Andito kami ngayon sa condo ni Dharwin. Tumira narin na dito si Sophia para mabantayan ang pagbubuntis nya. Madalas na dumadalaw ang buong barkada dito. Excited kasi kaming lahat sa baby.

Pero imbes na magsaya kaming lahat ngayong araw nato ay napalitan ng madidilim na awra ang paligid. Ang lahat ay tahimik maliban sa buntis na pumuputak. Pilit man itong pakalmahin ay hindi parin matigil-tigil.

"Should I hire an assassination for those bitches? "mariin na banggit ni Edison.

"Mahal yun Eyson"bulong KUNO ni Yuki.

"Mayaman ako"sagot ni Edison.

"Wag na"saad ko naman ng aakmang pipindot na ng cellphone si Edison.

"Why? We should kill them all! "sabi ni Edison.

"Tol. May buntis dito. Baka marinig ni Baby na tayo ay killers"sabi ni Dharwin.

Edison sighed.

Nilingon ko naman si Tristan sa tabi ko na nananahimik lang. Kung galit na si Edison ay halatang mas galit ito.

Kumakalat kasi sa facebook ang picture ko na may kalandian sa hallway ng FU.

Remember Fred? Yung fuminger sakin NOON.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Nahihiya ako sa sarili ko. Totoo naman kasi. Totoong malandi ako.

Totoong may mga lalaki akong naikama noon.

Totoong hindi lang si Tristan ang nakagalaw sakin.

Pero NAGBAGO na ako! Hindi na ako yung dating AKO!

May bagong buhay na ako!

Pilit ko ng kinakalimutan ang madudumi kong nakaraan pero pilit parin akong hinahabol nito!

Hindi ko na maintindihan. Pagod na pagod na akong intindihin!

"Marami na ang bashers mo, Rianne. May umaalma nga na paalisin ka sa FU. Buti at napakiusapan ni Louis ang papa niya na wag kang maexpel"sabi ni Sophia na medyo huminahon na.

Hindi ko na kaya.

"Buong Pilipinas na ipinakalat ang picture. But don't worry Rianne nagawan ko na ng paraan. Nakontak ko na ang aking mga connections upang maalis ang picture mo"sabi naman ni Yuki.

Barkadang TunayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon