Chapter 29: Be My Mrs. Ford

6.5K 47 3
                                    

Megan's POV

Haaay! Isang buwan nanaman ang lumipas. 2nd sem nanga pero meron parin kaming Soc.  Sci 1 ng barkada.  Paano ba naman kasi.  Nagbulakbol kami last sem.  Kaya ayon!  Mabibigyan lang kami ng grades ni Sir kung mapasa na namin yung aming project na powerpoint.  Hindi pa kasi matapos-tapos dahil sa kabusyhan ng buhay namin.

Gaya ni Tristan at Rianne.  Ayon nasa ibang bansa. Doon sila nagpatuloy sa pag-aaral. 5 months na syang buntis. At so far,  healthy naman daw ang pagbubuntis nya.

Si Yuki. Napabayaan ang pag-aaral noong nagprepare sila ng kasal ni Edison. Si Edison naman,  as usual.  Naging busy last sem ng dahil sa  pagpapaexpand ng kanyang negosyo kaya INC(Incomplete) sa ibang subject. Ewan ko ba sa taong yun.  Napakayaman kaya nya pero nag-aaral parin sya.  Sabi nya iba daw kasi yung may natapos daw. Tama nga naman sya.

Si Dharwin,  nag-aaral parin sa FU. Doble kayod ang Lolo nyo kasi One month na mula nong manganak si Sophia.  Tumutulong naman kami sa panggastos ng kambal, si Dharwin kasi ang nagbabayad ng kuryente. Hindi natutulog ang kambal kung walang aircon at ilaw.  Kaya ayon.  Sobrang mahal ng bayarin nila.  Si Sophia naman ay ayon losyang na.  Haha!  Di joke lang. Syempre tumutulong kaming magbabarkada sa pag-aalaga sa kambal.  Kapag wala si Darwin,  kami ang kasama ni Sophia sa condo nila.

Si Louis naman,  ayon sabi nya.  Nag-aaral din sya sa Korea.  Same school sila ni Rianne at Tristan.  Nakakamiss din sya.  Pero hindi yung katulad noon na. Miss ko sya kasi gusto ko syang kantutin.  Nope!  Nakatulong talaga sakin ang rehab. Mejo awkward pakinggan pero... yun talaga eh!  Ito ako.  Si Morchie Megan Monteverde,  isang babaeng gumaling mula sa sakit na pagiging Maniac sa sex.

Mabuti na ang buhay ko ngayon. Hindi naman ipinaramdam saakin ng mga tao sa paligid ko na may ganun akong karanasan.  Nakapag-aral na ulit ako sa FU. Balik nursing student na ang peg ko.

Kaya nga ito.  Kagagaling ko lang sa school.  Dumeretso agad ako sa condo ni Sophia. Nakahiga ako sa sofa.  Tinggal ko yung uniform ko kaya nakasuot ako ng sando at hapit na shorts. Baka madumihan kasi may night class pa ako. Wala namang kaso kasi open minded yung mga boys dito. At tsaka wala sila dito. Si Darwin mamayang 6 pm pa uuwi.  Si Edison naman ay bumili ng tatlong galon ng buko juice at tatlong box ng buko pie.  Alam nyo ba kung bakit?  Dahil-

"Urghhh"ungol ni Yuki na galing sa kusina.  Namumutla ito at pansamantalang pinapahiran ng bimbo ang bibig.  Nakasuot din ito ng sando at shorts.  Dito kasi ito matutulog. Tinupak at ayaw umuwi sa mansyon.

Oo.  Two weeks ng buntis ang baliw.

"Hoy!"inakay sya ni Sophia at umupo sila sa sofa. Tulog pa kasi ang kambal kaya nakapagpahinga kami ngayon.

"Ang putla putla muna.  Yan kasi!  Puro buko buko buko nalang ang laman ng tiyan mo!"galit na sabi ko kay Yuki.

Agahan nya kanina. Cereals with gata.
Tanghalian.  Ginataang manok with ginataang alimango at isang litrong buko juice.
Merienda. Pan de Coco with Nesfruta Buko why not coconut.

Natawa pa ako kanina kasi habang kumakain si Yuki ng merienda eh pinakanta nya ng Nesfruta buko why not coconut si Edison.  Vinideohan kasi ni Sophia si Edison tapos ipinakita nya sakin kanina lang.

Tapos ayon.  Naghahanap si Edison ngayon ng Buko juice at Buko pie kasi gusto ni Yuki.  Kakain sya ng sugpo na nilaga sa buko juice sa dinner at Buko pie ulit sa midnight snack. 

Ayaw din nitong umuwi kasi dito sa condo may matatanaw na mga puno ng niyog doon sa malayo.  Sa mansyon kasi nila wala.

"Pacheck up ka kaya ulit. Baka buko yang pinagbubuntis mo"biro ko sa kanya.

Barkadang TunayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon