Chapter 21: Gising na sya

8.8K 49 8
                                    

Yuki's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na napakalawak at puti na kwarto. Asan ba ako? 

Ang last ko na naalala ay nauntog ako sa sasakyan ni Eysoon.

Nabago na ba ang design sa kwarto ni Edison? Ba't amo'y anesthesia ang paligid?

O di kaya'y nilipat na nya ako ng kwarto dito sa Mansyon? O di kaya'y ibinenta na nya ako sa isang manyakis na Intsik? Hala! Ibinugaw ako ni Edison!

Naghirap na kaya sya?

Haay.  Wag naman sana.

Ang sakit pa yata ng ulo at katawan ko para hanapin kung saan mang lupalop ng daigdig ngayon ang lalaking yun . Parang hindi nakapag-excercise ng ilang araw itong katawan ko. Hindi ako makagalaw.

Tanging ang mata ko lang ang ipinagala ko sa paligid ng silid na ito.  Kaya nakita ko si Kuya Piolo sa gilid,  nakaupo habang nagbabasa ng Bibliya.  Si Kuya John Loyd naman ay nag-aassist kay Kuya Piolo.  Si Mama naman at Papa ay nag-iiyakan sa isang sulok habang may tig-iisang rosaryo.  Andito rin si Megan, Louis, Tristan,  Rianne,  Dharwin at Sophia.

Sumasabat sila sa misa ni Kuya Piolo.

Teka ano ba to?  Patay naba ako?  Bakit may misang nagaganap? 

"~~h-hoooooyy"pilit kong tawag sa kanila.

Mahirap palabasin yung boses ko eh. Tuyong-tuyo pa yung lalamunan ko.  Uhaw na uhaw na ako.

"~~Ssshhhhhh"tawag ko ulit ng kanilang pansin.

"Narinig nyo ba yun?"sa wakas ay tanong ni Sophia sa lahat.

Natigil ang misa. Ebanghelyo na yata eh?

"Ang alin? "tanong ni Megan.

"Ba't parang may naririnig akong ibang boses dito sa loob.  Una 'hooy' tsaka 'shh'.  Hindi nyo ba yun narinig? "tanong ni Sophia sa kanila na palinga-linga pa sa paligid..

"Hoy wag ka namang manakot"sabi ni Rianne na luminga-linga.

Pati ang iba'y luminga rin. Natigil talaga ang misa.  Sorry Lord!

Teka!  Bakit wala si Edison?

Hayop yun ah?  Inaasahan ko na sa pagising ko sya ang una kong makikita na nakahawak sa kamay ko habang nakayuko sa gilid ng aking kama.

Nak nang fuuts naman! Paasa!

Teka?  Asa naman ako don?  Wala naman yung pakialam sakin?

San nanaman kaya yun nagsusuot?  Pikon na ako don.  Sa naalala ko,  sinabihan nya ako nang get out of his life daw.  Aba't!  Ang sakit kaya non?  Napakasama talaga ng budhi ng lalaking yun.  Di man lang ako binigyan ng konsiderasyon?  Hindi ba nya alam na may pagtingin ako sa kanya? 

Aba't KKK lang ata ang alam non eh!

K-Kamanhidan
K-Kasamaan
K-Kantutan

Aissh!  Gaganti talaga ako!  Makikita mo Edison!

"Hoy kayo! " sa wakas ay nabulalas ko rin.

"Tumahimik kanga dyan Yuki at nagdadasal kami! "singhal ni Sophia sakin.

"Oo nga Yu----YUKIIII???!!! "Exaggerated na sigaw ni Rianne sa mismong mukha ko.

Bwisit to.

Nagsitinginan sila lahat sakin at nagkanya-kanya ang reaksyon.

Si Tristan nagwalling....Oo seryoso ako, nagwalling nga sya.

Si Megan ay nakatunganga lang at pasulyap-sulyap kay Louis na tumatumbling. Eh?

Barkadang TunayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon