Chapter 28:Lalynne and Lance

6.8K 43 0
                                    

Sophia's POV

7 months na ang lumipas mula ng epic na proposal ni Edison kay Yuki. Meaning. 9 months na ang tummy ko. Marami na ang nagbago.

Kasal na si Yuki at Edison, one month after ng proposal ni Edison. Alam nyo namang mayaman ang isang yun kaya naging madali para sa dalawa ang ikasal ng napaka-engrande. Si Kuya John Loyd ang nagkasal sa kanila habang si Kuya Piolo ang nagassess nito. Natalo kasi sa bato bato peks si Kuya Piolo kaya si Kuya John Loyd ang nagkasal. Ako ang naging maid of honor. Hindi nakapunta si Rianne, Tristan at Megan. Umuwi saglit si Louis, pagkatapos nyang sumilip sa malayo kay Megan na gumagaling na sa panahong yun ay bumalik sya agad sa Korea.

Last month ay nakalabas na ng rehab si Megan. She's perfectly fine. Nakakapagkontak na sila ni Louis at unti na unti ng bumabalik si Megan sa dati nyang buhay. Parang hindi nga nya naranasan ang sakit nayun eh.

Si Rianne at Tristan ay nagpakasal din sa Korea two months ago. At balita ko. 4 months pregnant na si Rianne. Sa huwes lang sila nagpakasal. Tsaka nadaw ang church wedding kapag nakauwi na sila dito sa Pinas.

Kasalukuyan ako ngayong nanunuod sa salas ng tv. Mejo may kalakihan na kasi ang tiyan ko upang mamasyal. Kami lang dalawa ni Dharwin ngayon sa condo. Andito lang sya sa tabi ko at tinatapos ang powerpoint namin sa Soc.Sci 1 kasi bukas na ang deadline nito. Hindi rin ako madalaw ni Megan kasi marami syang naiwang requirements sa school. Nag-aaral pa naman ako sa FU pero last week ay tumigil muna ako sa pag-aaral kasi madalas na ang pagsakit na ang tiyan ko.

Mamaya pa ang class ni Dharwin. Apat na subjects lang naman ang meron sya. Syempre kasali na doon ang Soc. Sci 1. Kapag umaalis sya papuntang school ay pumupunta dito si Yuki upang bantayan ako. Kahit busy din ang baliw nayun ay nagsasakripisyo sya para sakin.

Kambal pala ang anak namin ni Dharwin. Excited ang mokong.

"Mmmm"teka. Sumasakit nanaman ang tiyan ko.

"Napano ka? "napatigil si Dharwin sa pagtatype ng umungol ako. "Masakit nanaman ba? " tanong nya sabay hawak sa tiyan ko.

Tumango ako.

"Mmmmph"ibang sakit yata to ah?

Para akong mamamatay sa sakit na aking nararanasan. Parang... parang..

"M-Manganganak na yata ako.Ahh!"sabi ko kay Dharwin habang sapo ko na ang malaki kong tiyan.

Sobrang sakit na kasi.

"HAH?!! "gulat na sabi ni Dharwin. Tumayo ito at basta nalamang inilapag ang laptop. "Anong gagawin ko?!! "

"huh?! Nakalimutan mo naba ang usapan natin kapag nanganak ako?! Tawagan mo si Edison at ipasundo tayo dito tapos kunin mo na yung bag sa kwarto! Bilis! Masakit na talaga yung tiyan ko! MAPAPATAY TALAGA KITAAAA!!! "sigaw ko sabay tadyak sa kanya. "HINAYUUUPAK!!! "

Tumalima naman sya sa telepono at nagpipindot pindot doon. Tssss!

"Hello this is Meralco. How can we help you? "narinig kong sabi sa kabilang linya.

"Manganganak na si Sophia!"tarantang sagot ni Dharwin.

"Ayyysshh! "napasabunot ako sa buhok ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang number ni Yuki. Sumagot naman sya agad.

"Oh? "

"Saan ka ngayon? "

"Papunta kami ngayon dyan ni Edison. Nakasakay na kami ng elevator"

"Gaga! Bilisan nyo! Manganganak na ako!! Itong Dharwin nato parang sira ulo!"sigaw ko sa telepono.

"Huh?! Oh sige! Parating nah! "sagot ni Yuki at binaba na ang tawag.

Barkadang TunayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon