Chapter 18: Nang Mawala si Pareng Condom

10.3K 53 3
                                    

Sophia's POV

"Hoy"untag ni Megan sa akin na kagagaling sa CR kasama si Louis. If I know! Nagchukchakan ang mga yun sa CR.

"Oh?"sagot sakin sabay tabig sa kamay nya na nasa balikat ko. "Bitiwan mo nga ako! Baka kung saan mo pa hinawak yang kamay mo"

Tinaas lang ni Megan yung dalawang kamay nya  na parang sumusuko sa pulis sabay tawa. Akala nya naman nagbibiro ako. Baka hinawak nya pa sa choten ni Louis yung kamay nya! YAAAK!

"Hahaha! Sira! Naghugas ako ng kamay no!"paliwanag naman ni Megan na tumatawa pa.

The Fuck! Nagchiyot nga sila sa CR! Mga kaderder talaga to!

"Alam mo Soph, umuwi kana. Okay na kami dito. Kami nalang ang magbabantay kay Yuki. Magpahinga ka ng bonggang bongga para bumalik kayo bukas ni Dharwin dito at kayo na ang magbabantay kay Yuki"sabi ni Rianne saamin. "Isama mo narin itong si Edison. Kagabi pa ito dito. Total babalik rin naman ang parents ni Yuki mamaya. Pahinga muna sila sa hotel. Kami na nina Megan ang bahala dito"

"Sige"sang-ayon namin sa kanila.

Pagkatapos ng iba't ibang pagpapayag kay Edison na umuwi ay nadala narin namin sya.
Naghiwa-hiwalay na kami pagdating sa parking lot. 

"Saan tayo pupunta Dhar?"tanong ko kay Dharwin ng medyo nakalayo na kami sa ospital.

"Ikaw? Saan mo gustong pumunta?"tanong nya pabalik saakin.

"Mmmmm. Ayaw ko pa kasing umuwi sa dorm eh, pwede bang mamasyal muna tayo?"suggest ko sa kanya.

"Oh sige"sang-ayon nya saakin.

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa condo ni Dharwin. Nakapunta na kasi ako dito nong isang araw. Kasama kong pumunta ang barkada kasi nagvideoke kami dito.

Malaki ang condo ni Dharwin, kaya lang ay maliit itong tignan dahil ang daming painting ang nakasabit sa kung saan-saan. May mga sketches pa na kasama.

Sabi nya ay ginuguhit nya every month ang ala-alang hinding-hindi nya makalimutan. Kaya mistulang art exhibit na ang condo. Kung saan ka lilingon ay anduon ang mga obra nya.

"May pizza ako sa ref? Gusto mong kumain?"tanong nya saakin ng makarating na kami sa salas ng condo nya.

"Oh sige. Iinit mo ah?"habilin ko sa kanya bago sya dumeretso sa kusina.

Kung titignan sa mga paintings at sketches nya ay mas marami ang ala-ala kasama ang barkada nya. Makikita mo talaga na mahal na mahal nya ang mga barkada nya.

Mahilig magkwento saakin ng mga bagay-bagay si Dharwin. Nasa Cebu ang pamilya nya ngayon.

Pangarap nya talagang maging isang artist kaya nakipaagsapalaran sya dito sa Manila para matupad ang gusto nya.

Ang pamilya nya ang pinakamayan sa Cebu. Sapagkat marami itong pataniman ng tubuhan, pinya, saging, palay at iba pa. May palaisdaan panga sila doon at ang ibaa nilang mga produkto ay suki na sa ibang bansa. Simple lang na tao si Dharwin, hindi sumisigaw ng kayamanan ang kanyang aura. Di katulad ni Louis at Edison na araw-araw ay papalit-palit ang suot na alahas at damit.

"Ayan kain kana"sabi ni Dharwin na may dalang pizza at juice.

"Salamat"sagot ko sa kanya.

Kumain na ako agad. Gutom na kasi talaga ako.

"Patapos na ang November ah? Hindi ko pa nakikita ang painting mo para sa buwan na ito"sabi ko sa kanya.

"Nakagawa na ako"tipid nyang sagot saakin.

"Pakita mo naman sakin"sabi ko sa kanya habang nginunguya ko ang pizza. Hehe.

"Mamaya na. Kumakain kapa eh"

Barkadang TunayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon