Chapter 15:Bagong Condo

12.3K 41 3
                                    

Megan's POV

"Hi guys!"bati saamin ni Sophia ng dumating sya.

May pangiti-ngiti pa syang nalalaman.

Kanina pa sya namin hinihintay.

"Alam mo, napaka-ano mo talaga. Saan kananaman galing hah?!"bulyaw ko agad sa kanya.

"Dyan lang sa tabi-tabi"ngumiti pa sya na pachill lang at parang wala syang ginawang masama.

Sampalin ko to eh!

"Lakwatsera ka talagang maharut ka, sakay na bilis!"bulyaw ni Rianne sa kanya tapos tinulak sya sa kotse ni Edison.

"Ang harsh nyo sakin. Bwisit kayo" reklamo saming lahat ni Sophia ng makapasok na kami lahat sa kotse. "Pero teka Yuki, bakit ka nakahiram ng kotse kay Edison?"

Oo nga..Nagulat nalang kasi kami ng nagpresenta si Yuki na sya ang bahala sa sasakyan namin.

At yun nga, sinundo nya kami ng Yellow Mclaren ni Edison.

"Anong hiniram? Ninakaw ko lang to sa garahe nya. Ang bagal nya kasing magbihis sa bahay. Kaya ito..Hehehe..Kinuha ko to don. Marami naman syang kotse eh. At tsaka di naman nya siguro ikagagalit itong pagkuha ko sa Mclaren nya diba?"ngiti-ngiti pa tong si Yuki.

"As far as I know Edison. Well, kilala ko na sila 3 years ago nong hindi pa kami nagkahiwalay ni Tristan. Hindi talaga pinapahiram ni Edison itong Mclaren nya"sabi ni Rianne saaming lahat habang binabaybay namin ang bagong condo ni Louis.

Si Yuki na ang nagdrive.

"WHAT?! You mean, tatlong taon na tong kotseng to?"parang baliw na saad ni Sophia.

"5 years actually"pagtatama ni Rianne.

"Your dead"sabi ko kay Yuki.

Namutla naman si Yuki.

"I'm so freaking dead talaga"saad naman nya.

NAKARATING naman kami ng ligtas sa building ng bagong condo ni Louis. Medyo nawawala sa sarili si Yuki sa nalaman nya eh.

Nasa condo na ang mga boys. Kami nalang talaga ang hinihintay nila. May natanggap kasi akong text kay Edison kanina sabi nya,

We'll be waiting at Ford's Condominiom, girls.

Tinext ko agad ang aking mga kaibigan na pinapupunta kami sa bagong condo ni Louis at sinundo kami na kami ni Yuki.

Kaya ayon, gumora na kami at sumakay na ng elevator pagkatapos naming naipark ng safe and sound ang kotse ni Edison.

NAMISS KO NA SI LOUIS GUSTO KO NA SYANG MAKITA!

Gusto ko syang yakapin.

Halikan sa pisnge, sa lips, sa leeg, sa matipuno nyang dibdib, sa nakapakete nyang abs, sa sandata nya..sa hi--Wait! Kelangan ko munang magmoment together with his sandata. Tapos i-aangat nya ako, haha--

"Anong nangyayari sayo hoy?"untag saakin ni Rianne.

Nakarating na pala kami sa tapat ng condominium ni Louis.

Hindi ko masyadong naisip yung nilakad namin bago makadating dito.

"Ah wala"sagot ko nalamang kay Rianne.

"Kung anong kahalayan nanaman yang pumapasok sa isip mo eh noh?. Umayos kanga"sabi nya sakin na may tunong pang nanay.

"H-Hindi ah!"agaran kong sagot.

"Lukuhin mo na lahat wag lang ako"sabi nya naman sakin at tumalikod na sya.

Hayyy! Manghuhula ata yung si Rianne eh!

Barkadang TunayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon