Preface

162 4 0
                                    

P R E F A C E

Reiven Delos Reyes

Paulit-ulit umikot sa utak ko ang mga sinabi nya sakin kanina. Tagos ang sakit sa buong pagkatao ko. Siguro mas kakayanin ko pang maligo sa bala ng baril ng mga pulis o mabugbog ng mga kaaway. Walang sino mang kalaban ang tatalo sa sakit na ipinaramdam sakin ni Salie.

"Oo, tinatanggap ko ang sorry mo. Pero sana alam mong meron akong minamahal. At hindi ikaw yon."

Hindi ko alam ang gagawin ko matapos nya sambitin ang mga salita. Tumalikod ako kay Salie. Upang itago ang di maipintang mukha. Upang hindi ipahalata ang sakit na nararamdaman. Pinilit ko magmatigas. Pinigilan ang pag-iyak sa kanyang harapan.

Bago pa ko makapag salita, inunahan na nya ko. "Ano na gagawin mo saken? Ikukulong ako sa kwarto at pahihirapan? Igagapos? Ipapabugbog sa mga bata mo? O ikaw mismo ang papatay saken? SIGE! GAWIN MO NA! Walang mababago sa nararamdaman ko sayo! HINDI NA IKAW ANG MAHAL KO."

Putang ina! Tama na naman Rosalie! Gusto kong sumigaw pabalik sakanya. Hindi ko sya masisisi kung ito ang tingin nya sakin. Mamamatay tao. Pero sana alam nya na hindi ko kaya gawin sakanya yun. Hindi nya alam na sa usapan naming ito, ako ang parang unti-unting pinapatay.

Humarap ako sakanya. Halata sa mukha nya ang takot sakin. Ganto na pala kalala ang epekto ko sakanya. Isa na kong halimaw sa mata ng nag-iisang babaeng minamahal ko.

Sinubukan ko magsalita. "Wala akong gagawin... Bu-bumalik ka na sa kwarto mo.. Kumaen ka na ng hapunan.. Ma- Mag pahinga ka na rin..." Pilit kong sinabi kay Salie. Mahina at matamlay ang boses ko. Hindi ko sya matingnan. Ramdam ko sa boses ko ang sakit.

Lumabas sya ng opisina ko ng walang huling salita. Nasabi na nya ang gusto nyang sabihin.

Gusto ko sana sumigaw at kausapin sya. Gusto ko tumakbo at habulin si Salie para yakapin. Pero hirap lumabas sa labi ko ang mga salita. Parang isang malaking tinik ang pumako sa puso ko. Naramdaman ko ang kirot. 

At ang patuloy na pagbagsak ng luha sa mga mata. 

Queen of the Gang BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon