Chapter Two

108 2 0
                                    

CHAPTER TWO 

Reiven Delos Reyes

"Good morning Sir Reiven, kain na po kayo." Sabi ng katulong namin na si Felly.

"Salamat, nasa baba ba si Dad?" Tanong ko sakanya. 

"Wala po Sir. Maaga umalis ang daddy nyo. Si Sir Renz po nasa baba." 

Gandang umaga nga naman. Ayoko mag-almusal kasabay ang kumag na yon. "Ahh, sige Felly breakfast in bed nalang ako." Sabi ko sakanya.

"Sige po, Sir." Sagot ni Felly at lumabas ng pinto.

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa ilalim ng unan. 6 new messages. Shit! Tinanghali nanaman ako. 7:46 am na. Dapat kaninang 5am palang e gising na ko.

Una kong binuksan ang message sakin ni Salie. 

Hi babe. Good morning po. Ingat ka po pag-alis mo :) I love you. 

Sumagot naman ako sa text. "Good morning mahal ko. Salamat po. I love you more." 

Tiningnan ko ang ibang mga text sakin. Galing kay Franko ang tatlo. Yung isa, galing kay Mark. Yung pinaka huli, galing kay Arriane.

Binuksan  ko yung kay Mark:

Boss, nandito na ho kame. Waiting sa dating tagpuan. Ready na mga kaylangan ideliver. 

Yung kay Franko naman:

Bossing nadala na namin ni Ivan yung tatlong box. Isasakay na namin. Intayin ka nalang namin.

Boss 8:30 call time natin.

Boss asan ka na? Txt bak 

Tangna. Kanina pa pala ko hinihintay! Wala na 'kong panahon para kumain. Diretso ligo na agad. Kaya mabilis akong bumangon at nagpunta sa Cr. Naligo ng 5 minutes, nagpunas ng towel, at nagbihis.

Pagka-ayos ko, binuksan ko na ang pinto. Sakto, nasa labas si Felly, dala ang tray na may pagkain. 

"Ah, Felly, pasensya na nagmamadali ako eh. Di na ko kakain." Sabi ko sakanya, nagmamadali parin. Napakamot ito sa ulo. "Ah, ganun po ba sir ah sige po yung-" 

Lumabas agad ako ng kwarto at nanakbo sa hagdanan.

"Sir yung gamot mo po!" Sigaw ni Felly sa taas pero hindi ko na ito pinansin. Sobrang late na talaga ko!!!

"Reiven, nagmamadali ka ata?" Sabi sakin ng Kuya kong kumag nang makita ako sa baba ng hagdanan.

"Malamang late na ko. At mas lalo ako ma-lalate kung hindi ka tatabi." Sagot ko sakanya ng walang reaksyon. 

Lumabas ako ng gate at nagpunta sa kotse ko. Inistart. Hinarurot papuntang tagpuan.

Habang nag da-drive, naalala ko ang nangyari kagabi. Nagdate kami ni Salie sa simpleng kainan. Magkasama lang kami kahapon, pero namimiss ko na agad sya. 

Mga 25 minutes, nakarating narin ako. 8:12 na. Wala pa namang 8:30, pero dapat 7am palang e andito na ako. 

Bumaba ako ng kotse. Sinalubong ako ng mga tauhan ko. Si Franko, Miguel at Joaqin. Apat na tao ko pa ang nag-iintay sa loob ng van.

"Balita?" Tanong ko sakanila.

"Kanina ka pa namin hinihintay boss. Mabuti nalang hindi pa tumatawag si Ms. Arriane." Sagot sakin ni Franko.

Si Franko ang kanang kamay ko. Assistant/Secretary ang turing ko sakanya.

"Boss sino ho ba yang Ms. Arriane na yan? Sigurado ba tayo jan? Baka naman trap lang. Mahirap na boss. Babae pa naman ang kikitain mo." Sabi ni Miguel na kasama rin namin.

Queen of the Gang BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon