CHAPTER SIX
Rosalie Dumalangin
Pag-upo ni Reiven sa tabi ko, niyakap ko sya. Nakapa ko ang likod nya, at basa ito ng pawis.
"Babe, bakit ka pinagpapawisan?" Tanong ko kay Reiven, na para bang nag-isip muna bago sumagot sa tanong ko.
"Sobrang init kasi babe eh. Ayun, pawis pawis tuloy likod ko." Sagot nya. Ha? Pano naman magiging mainit eh nasa mansyon lang naman sya maghapon. Eh halos air-conditioned ang bawat sulok nito.
"Magpalit ka ng damit mo babe. Baka atakihin ka ng asthma mo pag natuyuan ka." Utos ko nalang kay Reiven.
Tumayo sya agad papuntang cabinet, na nasa tabing gilid lang din ng kama.
Nakita kong kumuha si Reiven ng itim na tshirt, pagkatapos, umupo ulit sa kama, dito sa tabi ko.
Hinubad nya ang pawisan nyang shirt.
SHIT! Grabe ang abs ni Reiven! Hindi ko alam pero pucha natulala talaga ko sa katawan nya. Simula sa mga biceps nya, parang unti unti akong natutunaw.
Nung sinuot nya ang tshirt, parang naputol bigla ang dreamland ko. Pero in a way, okay na rin yun. Makakahinga na ko ng ayos. Dahil kung di pa sya nag tshirt, baka hindi ko mapigilan sarili ko.
Akala ko okey na... kaso
"Mainit padin talaga eh,"
Sabi ni Reiven, habang hinubad ulit ang tshirt, at humiga dito sa kama.
Pucha! Nananadya ba to?! Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan ang mga muscles nya. Yung tipong parang gusto mong dilaan yung abs nya? Shet! Nag iinit ba dito o imahinasyon ko lang to?
Bigla akong niyakap ni Reiven. Nagulat ako sa di inaasahang paglapit nya.
Nung dumikit ang katawan nya sakin, para kong nakuryente bigla. Ganto ang epekto ng boyfriend ko sakin. Para akong araw araw nilalaglagan ng panty.
Hanggang sa di ko na kinayanan. Bumigay na ako sa yakap nya. Tatanggihan ko pa ba to? Niyakap ko si Reiven pabalik habang nanonood ako ng movie.
Hindi kami nagsasalita. Tahimik lang kami.
Kahit wala kaming sabihin sa isa't-isa, ramdam namin na magkasama kami. And that's more than enough.
Even without words, ramdam ko ang pagmamahal ni Reiven sakin.
Malapit na matapos ang movie. Ngayon ko lang napansin na natulog pala sa yakap ko si Reiven.
Tinitigan ko sya habang pinaglalaruan ang buhok nya.
Napaka pogi talaga ng mahal ko. Kung pwede lang wag palabasin 'to ng bahay para hindi maakit ibang babae sakanya eh. Hahahah!
Hinalikan ko sya sa pisngi.
Tapos sa labi.
~
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 7:12 pm na. Ginising ko si Reiven na natutulog padin sa balikat ko. Kaylangan na namin mag-ayos para sa gimik time with tropa.
"Babe," Sabi ko habang hinahawakan ang muscles este braso nya.
Mga tatlong ulit ko syang tinawag bago mumulat ang mata nya.
"Babe tara na po, bihis ka na para mamaya." NOOOOO. PLEASE WAG KA MAGBIHIS HUHUHU.
Pagtapos maghanda ni Reiven, naglagay ako ng kaunting make-up para sa gimik mamaya.
Dahil nagkanikanilang trabaho na kame, minsan nalang nakakapag bonding ang tropa namin. Ngayong gabi, pinlano namin na magkita kita sa bahay ni Zen, kaibigan din namin.
BINABASA MO ANG
Queen of the Gang Boss
Non-Fiction[ SPG! Restricted for young readers ] Hindi ito ang iyong typical love story. *This contains graphic sex scenes and adult language made for open-minded people only*