Chapter Three

65 3 0
                                    

CHAPTER THREE

Rosalie Dumalangin

"Waiter!" Tawag ng bestfriend kong si Dindy.

Lumapit agad sakanya ang isang gwapong waiter na may kasamang ngiti.

"Isang chocolate mouse for me, Umm ano sayo bestie?" Tanong nya sakin.

"Coffee crumble shake nalang bestie. Tsaka velvet cupcake." Sagot ko sa kanya.

Simula highschool, magbestfriend na kami ni Dindy. Hindi pa kami magkakilala ni Reiven, lagi ko na syang kasama. Parang magkapatid ang turingan namin. Nung una nga, hindi sya boto kay Reiven nung nanliligaw palang sakin. "Bad boy" daw kasi, at malamang lolokohin lang ako. Totoo namang bad boy na bad boy yang si Reiven nung high school. Pero nung naging kami, grabe ang pinagbago. Hangang hanga talaga si Bestie.

Pagkaalis nung waiter, tuloy na ang usapan namin ni Dindy. Madalas kaming tumambay at magchikahan sa Cafe Dela Paz. Sa Bacoor City nakatira si Dindy, kaya madalas ako sakanila.

"Grabeee! 1 week na tayong hindi nagkikita! Napaka dami kong kwento sayo and I'm sure ikaw din!" Sabi ni Dindy na excited na excited.

"Eh pano ba naman kase, napaka busy mong tao! Minsan mo na nga lang ako dalawin, napaka hectic pa ng schedule mo! Ano, artista na ba?" Biro ko kay Dindy, at sinalubong nya ako ng tawa, with matching hampas pa.

"Gaga! Hahaha! You're such a bitch parin bestie! Pero real talk, namiss kita." Ngiti ni Dindy sakin. I'm sure na namiss nya talaga ko. At sobrang ganun din ako sakanya. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko naririnig ang mataas na tinig ng babaeng to.

"I miss you too bitch. By the way, kamusta kayo ni Marcus?" Tanong ko kay Dindy ng maalala ko ang boyfriend nya. Etong si Dindy kase, every week, bago ang jowa. Pero kay Marcus lang sya tumagal.

"Okay naman kami bestie. Actually, gusto nya ko dalhin sa California for 3 days para ipakilala sa parents nya. Grabe right? Hahahah! Nakaka excite na nakaka kaba." 

"Huh? Bat ka naman kakabahan? Napaka confident mo girl! Tapos dun ka pa kakabahan? Wag ganon. Hahahah." Sabi ko sakanya. Pero kita ko sa muka ni Dindy na may halo talaga syang kaba.

"I mean, pano pag di nila ko nagustuhan? Ngayon lang kasi ako nagseryoso sa lalake. And I don't wanna mess things up." Malungkot nyang pag-amin sakin.

"Just be yourself. I'm sure magugustuhan ka ng parents ni Marcus noh. Ikaw pa! E ang ganda ganda mo kaya. Walang arte. Mabait. What's not to like?" Pag cheer up ko kay Dindy. Siguro first time lang nya kase haharap sa magulang ng boyfriend nya, kaya medyo may kaba pa. Pero I'm sure kayang kaya to ni Dindy.

"Thank you bestie ha. Alam mo girl, idol na idol talaga kita. Napaka happy mong tao. Masayahin ka kahit ano mangyari. Sana wag ka magbago." Dindy said habang hinawakan ang kamay ko at ngumiti.

Maraming tao ang nakakapansin ng ugali kong 'to. Masayahin nga daw ako at palangiti. Etong ngiting to? Dahil lang to kay Reiven. Simula nung dumating sya sa buhay ko, binigyan nya to ng kulay at saya. Sya ang nagbibigay ng ngiting to sakin. Sya ang dahilan kung bakit ko nakilala ang salitang kasiyahan. 

Pagtapos namin ni Dindy kumaen sa Cafe Dela Paz, sumakay na ko sa kotse ni Dindy. Hinatid nya na rin ako sa bahay. It's a Sunday today, and wala rin ako ibang gagawin kundi magpahinga.

--

Pag pasok ko sa bahay, sinalubong ako ng lil bro ko, si Toby.

"Ate Rose!" Sigaw ng bata habang tumakbo sakin at niyakap ang leg ko. 

Binuhat ko si Toby at niyakap ng mahigpit.

"I miss you baby boy!" Sabi ko sakanya.

"I'm not a baby anymore ate. Big boy na ko oh!" Sabi ni Toby habang nginitian ako at tumayo sa harap ko. Super cute talaga ng kapatid ko at mahal na mahal ko sya.

Queen of the Gang BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon