CHAPTER FIVE
Reiven Delos Reyes
Friday ngayong araw, kaya malamang may gimik nanaman kaming magbabarkada. Maaga ako gumising dahil marami akong balak gawin at puntahan ngayong araw.
Una, gusto ko bisitahin ang warehouse ng DEL CORPORATION. Ichecheck ko kung ayos ba ang pagkaka-gawa ng mga baril at bala. Pagkatapos, susunduin ko si Salie sa ospital na pinagtra-trabahuhan nya dahil promise nya saken na halfday lang sya ngayon para makasama ako. Sa gabi naman, pupunta kami sa gimik ng barkada namin.
Pagkatapos maligo, nagbihis agad ako ng polo at pantalon.
Pagbaba palang ng hagdan, hindi parin ako pinagpahinga ng ama ko.
"Reiven," Tawag ng tatay ko sakin.
"Dad please, umagang umaga naman. Wag ngayon." Inunahan ko na sya bago pa nya simulan. Sawang sawa na ko at ayoko masira ang umaga ko.
Huminga sya ng malalim.
"Huwag ka mag-alala, mas ayaw ko mabadtrip ang umaga ko dahil lang sa walang kwentang dahilan. Gusto ko lang ipaalala sayo na hanggang ngayon, CEO ka parin ng isang kumpanya ko." Sabi ni dad.
Sya ang tatay ko. Si Leo Delos Reyes. Ang may ari ng higit sa 6 na kumpanya sa Pilipinas. Hindi ko hiningi sakanya ang posisyon sa isang kumpanya nya. Sya ang kusang nagbigay nun sakin, para daw may maipagmalaki man lang ako sa mga tao, at hindi ako maging kahiya-hiya sa paningin nila.
Pero anong inaabot ko sa lintek na kumpanyang yan? Puro sumbat mula sa tatay ko.
"Itanim mo ito sa kokote mo, Reiven Michael Delos Reyes. Pag ang Finelands Company ko ay nalugi nang dahil sa kapabayaan mo, ikaw ang unang mananagot." Usap ng tatay ko saakin, na parang hindi niya anak ang kaharap nya. Para bang isa lang akong empleyado nya na kinakausap.
"At kung mawala lahat ng pera ng kumpanyang iyon, alalahanin mo. Handa akong ipakulong ka. Walang pero walang kahit." Dugtong nya, sabay alis sa harapan ko.
Wala na akong sinabi, dahil wala nang pwedeng sabihin pa. Hindi na ko naninibago sa trato sakin ng tatay ko. Kahit kelan hindi kami nagkasundo. At alam kong hinding hindi na dadating ang araw na magkakasundo kami.
Siguro mas okey na hayaan nalang ganto ang mga bagay bagay. Siguro mas okey kung hindi ko napakialaman pa. Kaya matagal na kong sumuko sa magulang ko.
~
Dinrive ko ang kotse ko papuntang warehouse ko sa Laguna. Ang warehouse na yon ay mukhang normal na malaking bahay sa labas. Ginawa ko itong mukhang bahay sa labas para hindi pagsuspetyahan ng mga pulis. Dito nakalagay lahat ng produkto namin. Doon din ginagawa ng mga tao ko ang mga binebenta namin. Pati pagtetest ng mga baril, duon din ginagawa. Actually, hindi pa tapos ang warehouse na pinagawa kong yun. Sa labas, muka itong maganda at maayos na bahay. Pero sa loob, all around ang purpose nito. Malaki ito at marami akong kwarto na pinapagawa. Duon ko na din balak ipagawa sa loob ang opisina ko, para doon ko na aayusin lahat ng papeles ko. At kung mayroong cliente, duon narin nila ako kikitain.
Mga isang oras at kalahati din ang biyahe.
Tago ang warehouse na ito sa isang baryo sa Laguna. May katabi ding mga bahay, tindahan at iba pa.
Pinark ko ang kotse ko sa garahe.
Sinalubong ako ni Xander, isa sa pinaka magaling at loyal na tao ko. Mabait si Xander at maaasahan. Kung tutuusin, kapatid ang tingin ko sakanya. Pansin ko rin na may ilan sa mga tao ko ang inggit kay Xander. Dahil sinasabi nilang paborito ko si Xander at madalas paboran. Mabait kasi ako kay Xander at hindi ko laging pinagagalitan. Ang sagot ko naman sa kanila, kilala nila ako. Kung maayos ang trabaho ng lahat, walang mapapahamak. Basta hindi ka traydor sa grupo, wala kang dapat ikatakot sakin.
BINABASA MO ANG
Queen of the Gang Boss
Non-Fiction[ SPG! Restricted for young readers ] Hindi ito ang iyong typical love story. *This contains graphic sex scenes and adult language made for open-minded people only*