Chapter One

131 1 0
                                    

CHAPTER ONE

6 Months before..

Hi! Ako si Rosalie Dumalangin. 21 years old, isang doctor in the making. Bata palang ako hilig ko na talaga magpanggap na doktora. Hanggang sa dumating yung point sa buhay ko na hinahabol ko na ang pangarap ko. Nakatira ko sa Dasmariñas, Cavite. Masayahin akong babae at mapagmahal.

Kasama ko ang kapatid kong si Toby na 5 years old palang at si Lola Antonia namin. Yung mother at father ko kasi, working abroad. Sa Dubai sila naghahanap buhay para pag-aralin ang bata kong kapatid at para pagsustento nadin sa pag-aaral ko ng pagdodoktor.

"Babe, san mo gusto mag dinner?" Tanong sakin ng boyfriend ko, si Reiven. 

Napaka gwapong lalake ni Reiven at sobrang habulin ng babae. Hindi ko naman problema sakanya ang pagiging babaero dahil loyal naman sya sakin. Kahit minsan, may pagkasungit sya lalo na kapag nagseselos. Ang cute nga magtampo nito eh. Minsan sinasadya ko talagang mang-asar. Napaka sweet din nya sakin. Wala atang isang araw na hindi nya ko pinakilig.

Si Reiven? Napaka hot pa nyan! Laglag panty lahat ng babae sakanya.

"Umm, babe gusto ko sa simple lang tonight. Lagi mo kasi ako dinadala sa magagarang restaurants ee. Gusto ko sa Larry's! Para maiba naman."  Sabi ko kay Reiven. Ang Larry's ay isang mini resto, na nagseserve ng lutong bahay. Masasarap ang pagkain duon, hindi pa mabigat sa bulsa.

Alam kong afford na afford naman ni Reiven dalhin ako sa susyal na restaurants. Anak mayaman kasi 'to. Madami silang kotse, malaki ang bahay. Rich kid, kumbaga. Kahit siguro hindi namin monthsary o hindi valentines e may regalo to sakin. May ari ng maraming kumpanya ang nanay at tatay nya. Pero kahit ganon, ayoko samantalahin ang pera nya. Baka isipin ng tao e pine-perahan ko lang sya. Which is so not true.

Mahal ko si Reiven. Mahal na mahal. Ngayon lang ata ako nainlove sa lalake ng ganto. Lalo na sa mga tipo ni Reiven. Sya kasi yung medyo bad boy. Jerk nga to nung unang kilala namin sa highschool eh! Nung naging kame, grabe, kitang kita mo ang pagbabago.

"Sige babe. Kahit san mo pa gusto." Sagot nya, habang inistart ang kotse nya.

Pagdating namin sa Larry's, umupo kami at umorder ng kakainin. Ilang saglit pa at dumating na ang waitress at nilagay sa table ang order namin.

Masaya kaming nag-uusap habang nagdidinner. Kahit madalas kami magdate, hindi kami nagsasawa basta magkasama kami. 

Biglang tumunog ang cellphone nya. Kinuha nya ito sa bulsa at tiningnan.

Sumimangot sya nung nakita ang caller. 

"What's wrong, babe?" Tanong ko kay Reiven.

"Si daddy.." Naka simangot na sya ngayon.

Never nagkaclose si Reiven at ang daddy nya. Siguro dahil mas gusto ng dad nya ang kuya nya, si Renz. Mababa kasi ang tingin ni Mr. Leo Delos Reyes kay Reiven. Puro pasakit ang tingin nya sa bunsong anak. 

Galit din si Reiven sa tatay nya dahil minsan nang nagkakabit si Mr. Leo. Sobrang maka-mommy kasi etong si Reiven. Tuwing nagkwe-kwento sya sakin, halata mo na sya ang nasasaktan tuwing pinapaiyak ng tatay nya ang mommy Stella nya. Buong puso syang galit sa tatay nya. Lagi sila nag-aaway, kung hindi, walang pansinan. Naka-ilang bangas na din ang mukha ni Reiven dahil sa tatay nya. Kung minsang gusto nyang patulan, kaya nya naman, kaso pinipigilan sya ng mommy Stella nya.

"Sagutin mo babe." Sabi ko sakanya. 

"No, babe. Gusto ko maging maayos at masaya ang dinner na to. Ayokong sirain ng walang kwentang tatay ko ang gabi natin." Sagot nya sakin. Halata sa boses nya na badtrip sya.

"Babe. Hindi mo pa nga alam kung bakit tumatawag sayo eh."  Sagot ko sakanya, habang hinawakan ko ang kamay nya.

"Alam ko na tatawag lang to sakin kapag may iuutos. Wala akong mapapala sakanya." Usap ni Reiven, habang pinilit wag tuluyang mainis.

Hinayaan ko nalang sya. Pinatay ni Reiven ang cellphone nya na hindi nagdadalawang isip.

Tinuloy namin ang dinner.

Nang matapos kami, hinatid nya ako sa bahay. 10:42 na ng makauwi kami.

"Salamat sa dinner babe. I love you." Sabi ko sakanya bago bumaba ng sasakyan.

"Basta ikaw babe. Salamat at pinasaya mo nanaman ako. I love you more po." Sagot naman nya sakin. 

Hinalikan ko sya ng mabilis bago buksan ang pinto.

Pero hinila nya ko papalapit sakanya. 

"Babe, isa pa." 

Ngumiti lang ako at walang sagot.

"Pleaseeee?" Makaawa nya at may kasamang pacute effect pa! 

Palapit palang ako sakanya, sya na mismo ang humatak sakin. Tinitigan nya ko sa mga mata. At hinalikan.

But this time hindi na quick smack. Hinalikan nya ko with more passion. Mas matagal. Mas madiin. Lalong lumalim ang halik nya. Lalong sumarap. Nilabanan ko din sya ng halik. Pinasok nya ang dila nya sa bibig ko. Pinagbigyan ko sya. Kahit bukas pa ang aircon ng kotse nya, biglang nag-init ang paligid. After ng ilang minuto, naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko. Lumapit pa lalo sakin si Reiven. Hindi mapakali ang kamay nya. Umakyat ng umakyat ito habang hinahalikan ako. Papa-akyat sa tagiliran. Hindi nagtagal, umabot sa taas ang kamay nya. Dumapo ito sa isang parte ng dibdib ko. Para akong nakuryente, at hindi ko naisipang alisin ang kamay nya.

Bigla nalang sya natigilan at dumilat.

"Sorry babe." Tinigil nya ang paghalik. Para syang natauhan bigla at inalis ang kamay nya.

"Uy, sorry talaga." Pilit nyang sabi sakin.

Ngumiti lang ako. "It's okay. Sanay na ko sayo."

Nag pout si Reiven. "Babe naman. Sorry po talaga ah? Ikaw kasi ee. Ang tamis ng labi mo. Napasarap tuloy ako. " Sagot ni Reiven habang naka ngisi at sabay kindat.

Loko loko talaga to. Hahah! 

"Hahah. Matulog ka na babe. Good night po. Iloveyou!" Kiniss ko sya sa cheeks, and then bumaba na ako sa car.

"Iloveyoutoo. Good night beautiful." 

Pagpasok ko ng bahay, sarado ang lahat ng ilaw. Deretso sa kwarto ko ako. Tulog na si Toby, kasama si Lola Antonia sa kwarto nya. Nagpalit ako ng pyjamas ko, and then naghilamos. Pagkatooth brush, punta sa kama.

Nahiga agad ako. Pinikit ang mata. Natulog.

Queen of the Gang BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon