Sa mga bituin ako'y nakatingin,
hinihiling na ika'y maging akin.
Ngunit sabi nga nila na
ang mga nakikita mo ay matagal nang
wala.
Sila lang ang nagpapaalala na minsan
nagkaroon ng pagkakataon na buhay pa sila.
Di lang natin nakita na
onting onti na silang nawawala
na sa kahit anong oras
pati ikaw ay maging alaala nalang
para sakanila.