Kinilala kita bilang ang lalakeng minahal ko
na sa akala ko
ikaw na.
Yun pala hindi.
Hindi, dahil umalis ka din
hindi, dahil iniwanan mo ako
na maraming tanong
na hanggang ngayon pilit ko paring hinahanap ang sagot.
Kinilala kita, bilang ang lalakeng tila kapag nagmahal ay sobrang tamis
na sa bawat yakap mo
ay ako'y napapangiti ngunit
unti-unting nawala ang tamis sa pag-ibig natin
mahal, ano ang nangyari saatin?
Siguro nagsawa ka na saakin pero ayokong isipin
dahil masakit.
Bura, kung kaya ko lang burahin
buburahin ko lahat ng alaala
lahat ng bagay na ating ikinasaya
lahat ng bagay na gusto kong ibalik
buburahin ko ang ating pag-ibig.
Kung pwede lang kita kalimutan
siguro nagawa ko na
ngunit hindi.
Sana nagtira ako ng kahit kaonting pagmamahal para saakin
baka kung ganoon ay hindi ganitong kasakit.
Kaya sa muli nating pagkikita sana
masaya ka
sana masaya na din ako.
Sana'y magkatotoo na magiging masaya din ako.
Sana sa muli nakangiti na ako habang ika'y aking binabati
wala nang bahid ng kung anong meron tayo dati.