Umiiyak ka ngayon sa tabi ko
sinasabi mo lahat
na parang wala kang kausap
kundi ang sarili mo.
Nakikinig ako sa bawat salitang
binibitawan mo
tinitignan ang bawat luhang
tumutulo.
Ayokong sabihin na masaya pa ako
dahil naandito ka sa tabi ko.
Gusto kitang yakapin,
gusto kong halikan ang iyong noo.
Ngunit ayoko dahil baka may masabi akong
makakasira sa pagkakaibigan natin,
yun nalang ang meron ako.
Kaya mas mabuting manahimik nalang ako
kase alam ko na wala akong pag-asa sayo.