Tayo'y naglalakad na magkahawak ang ating mga kamay.
Tinignan mo ako at tila pinagmamasdan ang bawat sulok ng aking mukha
at ako naman ay nahiya.
Ngunit ikaw ay di ko ikinakahiya.
Kailanman ay di kita itinago sa dilim
na kahit san man tayo makadating
ika'y aking pinagmamalaki.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kita kamahal
dahil may mga bagay na hindi mo na kailangan bigyan
ng kahit anong salita basta maipakita mo lang.
Ako ay malubos na maligaya.
Ngunit alam ko na madami pang pagsubok
ang ating pagdadaanan
alam ko na madaming luha ang tutulo at masasayang
ngunit sana kumapit ka lang.
Sana huwag kang bumitaw.
Sana sa huli ay parehong kamay parin ang aking hahawakan
ikaw parin ang titingin sakin
sana sa huli ikaw parin.
Sana hindi masira ang pangako natin sa isa't-isa
sana manatili ka sa tabi ko.