Ang sakit.
Wala na akong masabi
kundi umiyak nalang ng tahimik.
Mahirap tanggalin ang sugat na alam mo na
kahit kailan ay hindi mahihilom.
Yung puso mo na tila tumitibok nalamang pero alam mo na di ka na makaramdam kase namanhid ka na sa sakit.
Ang sakit.
Mga salitang gusto ko sabihin sayo pero sa tuwing titignan kita ay napapatikom nalang ang aking bibig.
Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon
na tahimik akong umaasa na nakikita mo din kahit papaano
pero alam ko hindi.
Kahit uminom pa ako at malasing
di ko alam kung saan ako makakarating
di ko alam kung saan ako mapadpad
di ko alam kung saan ako dadalhin ng hangin.