Oo minahal kita
ngunit alam ko na talagang
di tayo para sa isa't-isa.
Sapagkat kahit anong gawin ko
kahit pilitin kong umayos tayo
kahit mag mukha na akong desperada sa harapan mo
wala na akong magagawa.
Siguro nga at napilitan ka lang na magkaroon ng tayo.
Alam ko na ako lang ang may gusto nito,
alam ko na hindi mo ako gusto.
Mga unan na nagpapatahan sakin tuwing gabi
sa kakaisip sa sakit na aking nadarama
sa sakit na iyong pinapadama
saakin.
Mga pangako ko saaking sarili
na hindi na ako iiyak dahil sayo
ngunit di ko mapigilang tumulo
ang luha saaking mata.
Parang gripo na iniwang nakabukas
at hindi pa nasasara.
Alam ko na dadating din ang panahon
na sa aking pag gising
hindi ikaw ang una kong naiisip.
Alam ko na dadating ang panahon
na hindi na ikaw ang laman ng aking panaginip.