Capitulo 4

19 1 0
                                    

Baby

“A woman is looking on you Reux.” hayag ng kasamahan nyang waitress na kapapasok lang sa may kitchen dahil break time na kasi nila from work. Tumayo si Reux sa kinauupuan nya at lumabas ng kitchen. She’s on her kabwanan na and any time pupwede na syang manganak.

Inilibot nya ang kanyang paningin sa buong diner pagkalabas nito mula sa rest area and she finds the woman na naghahanap sa kanya. It’s Reese Hessa Avalon and sitting on a table near the counter. Naglakad sya patungo sa mesa nito at tumikhim. Nag-angat ng mukha ang babae sa kanya at umayos ng upo. Naupo sya sa kaharap na upuan nito.

“Ate.” tawag nito sa kanya.

“May kailangan ka?” tanong nito sa kaharap.

“I am here for this.” sagot ni Reese at inilapag nito ang isang envelope. Kinuha naman ito ni Reux sabay bukas at tinignan ang laman ng envelope. It’s a key with a chain that has a four digit numbers engrave on it.

“A key?” tanong ni Reux dito. “Para sa’n naman ang susing ito Reese?”

“Sabi ni ate Azure ibigay ko raw yan sa’yo.” sagot ni Reese. “Inihabilin raw yan ng mommy mo.” dagdag pa nito sa sinabi nya.

“Nasa’an si Keeper at bakit ikaw pa ang pinapunta nya dito gayung sya ang dapat magbigay nito sa akin?” tanong ni Reux at isinilid sa bulsa ng damit nya ang envelope na may lamang susi.

“She’s with the guy name Desmond Ramirez.”

“She’s working at the Armory Department?” tanong ni Reux dito.

“Oo ate. A year ago lang sya nakapasok do’n.” sagot ni Reese sa tanong nito sa kanya.

Napapikit si Reux dahil humihilab ang tiyan nya and it’s getting more painful than the first. Wala syang kaalam-alam sa pinaggagawa ni Azure kaya naman nagulat sya sa nalaman mula kay Reese. Kinabahan naman bigla si Reese at napatayo sa kinauupuan at nilapitan si Reux.

“Ate Reux anong masakit sa’yo?” tanong ni Reese sa kanya at napakapit si Reux sa kamay nito ng mahigpit.

“Aaahh!” napasigaw si Reux at nag-alala na si Reese.

“Manganganak ka na ba ate?” tanong ni Reese dito and she nods while pain is written on her face at nagsisimula ng mataranta si Reese.

Dumating sina Yana, Zen at Alex sa loob ng diner at sinalubong sila ng babaeng chef ng diner pagkapasok ng tatlo.

“Dinala ng ospital si Reux dahil manganganak na po sya kani-kanina lang .” hayag ng babae sa tatlo.

“Sino ang nagdala sa kanya sa ospital?” tanong ni Zen na medyo nag-aalala sa kalagayan ni Reux.

“Yung kausap nyang babae kanina at isang lalaki na kasamahan din po no’ng babae .” sagot ng babae sa tanong ni Zen dito.

“Tara na.” yaya ni Yana kina Zen at Alex. Bumalik sa sasakyan ang tatlo at mabilis na umalis ng diner.

Pagdating sa ospital ng tatlo ay may isang babae at isang lalaki ang nakaabang sa may delivery room. Lumingon ang babae sa direksyon nila. Zen Aldana knows only the woman sitting on the bench at hindi ang lalaking kasama nito.

“How is she Reese?” tanong ni Zen dito at tumabi sa babae. Bumukas naman ang pintuan ng delivery room at iniluwa ang isang babaeng doctor at sabay na lumingon ang lahat dito.

“Husband ng nanganak?” tanong ng doctor sa kanila. Lumapit naman ang lalaki dito at ito ang sumagot sa tanong ng doctor.

“Mga kaibigan lang nya ate.” sagot ng lalaki at itinuro si Zen Aldana ng lalaki tapos ay nagpatuloy sa sasabihin. “She’s her guardian.”

 Reux Palma (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon