Capitulo 25: ES NO VA A SUCEDER

6 0 0
                                    

MAAGANG nagising si Reux. Her very first day ng pag-gising bilang isang full-time mom kay Chancez na walang iniisip na kahit anong trabaho. Maagang naligo si Reux at nakabihis pambahay saka sya nagtungo sa kusina at agaran agad syang nagluto ng breakfast nilang tatlo ni Marco. It's what her daily routine everyday for a month now. Magiliw na magiliw ang awra ni Reux parati at always confident sya sa ginagawang nya. Madali nyang natapos ang ginagawang pagluluto ng agahanat naghain agad sya sa mesa.

Kinatok ni Reux ang kwarto ni Chancez saka sya pumasok sa loob. Her son is still sleeping peacefully on his own bed. Nilapitan nya ito tapos ginising.

"Chancez wake up na. Kakain na tayo kaya bangon na dyan." at binigyan nya ito ng halik sa noo. Gumalaw naman ito at dahan-dahan na iminulat ang mga mata. Ngumiti ito sa ina tapos dahan-dahang bumangon.

"Good morning mom." naghihikab na bati ni Chancez habang naupo sa gitna ng kama tapos nakatingin kay Reux.

"Good morning too." ganting bati ni Reux dito sabay tayo mula sa kama. "Pakigising na rin ng kuya Marco mo para sabay na tayong mag-agahan." bilin nito sa anak saka lumabas ng kwarto ni Chancez at bumalik sa hapag at naupo agad sa mesa.

Sumunod agad si Chancez na pumasok ng dining area at nasa likuran nito si Marco. Nagsi-upo agad ang dalawa.

"Good morning tita." bati ni Marco kay Reux habang antok na antok pa rin ang boses nito at naghihikab.

"It's been a month na palagi ka yatang puyat Marco. Ano ba yang inaasikaso mo?" tanong agad ni Reux dito umagang-umaga.

"I'm sorry tita Reux." hinging paumanhin ni Marco dito. "Hindi ko pa rin kasi matapos-tapos yung inaasikaso ko sa mga naiwan nina tita Haze."

"It is not your task to do that. May iba naman na pupwedeng umasikaso nyan Marco."

"But it's still needs my attention dahil kinakailangan ko rin mag-double check."

"Kumain na muna tayo at pag-usapan natin yan mamaya." hayag ni Reux tapos tumango ang binata saka sila nagsimulang kumain ng agahan.

Nasa gitna ng paghuhugas si Marco ng pinagkainan nila ng may kumakatok sa pintuan. Itinigil nya ang ginagawa sandali dahil nasa may likod sina Reux at Chancez. Lumabas sya ng kusina at pinagbuksan ang kumakatok sa pinto. Nagulat sya sa napakaagang bisita. Anley Montenegro is his visitor or rather bisita ito ni Reux.

"Magandang araw po." bati ni Marco dito tapos niluwagan ang pagbukas ng pintuan. "Pasok po kayo at tatawagin ko sandali si tita Reux." yaya nito kay Anley at binigyang daan nya ito.

Pumasok sa loob si Anley at inilibot ang paningin sa loob ng sala. Iginiya sya ni Marco sa may couch at pinaupo.

"Good day din pala sa'yo Marco." bati din ni Anley sa kanya pero medyo nahihirapan itong bigkasin ang pangalan ng binata o dahil sa ibang tao talaga ang iniisip nito.

"Ano po ang gusto nyong inumin?" tanong ni Marco dito. He just civil to her.

"Wag na. I'm fine." sagot ni Anley at tipid na ngumiti.

"Tatawagin ko lang po si tita Reux sa may likod." pagpapaalam ni Marco dito saka tumalikod at naiwan sandali si Anley.

Itinuloy ni Anley ang pagtingin sa buong sala. Wala ni isa mang mga bagay ang nakasabit sa may dingding kahit frames o ibang mga bagay. The living room's wall is just too plain and simple but the bookshelf itself makes it look nice. Nakapaikot ang porma ng mga libro at nakaayos ayun sa laki at petsa nito at wala ni anong litrato ni Marco Braganza ang makikita sa may sala.

 Reux Palma (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon