Capitulo 22: DEMI QUE NO

11 0 0
                                    

KEIRAN is with Anley dahil isinama sya ng babae sa Montenegro Wine. Ang parents ng huli ang nag-aalaga muna sa tatlo. Anley gives Keiran a tour around of it dahil na rin may kailangan syang asikasuhin sa Wine.

Dinala ni Anley sa main restobar si Keiran. There was a band members preparing their instruments on the stage. Hapon na sila nakadating ng Montenegro Wine dahil dalawang oras ang byahe mula sa Weir patungong Colton kung saan ang lokasyon ng main ng Montenegro Wine. Pinaupo ni Anley sa isang bakanteng mesa si Keiran na nakapwesto sa may harap pa mismo ng stage at iniwan ito sandali ng babae para kausapin ang namamahala ng restobar.

Nakamasid si Keiran sa mga taong nasa may stage. Di sya nakatiis at tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sya sa isa mga ito na nag-aayos ng mga gitara. Madali syang napansin ng mga ito. She smiles on them.

"Bago ka dito?" tanong ng isang babaeng nakasimpleng t-shirt at kupasing fitted jeans na tinirnuhan ng heel boots. Nakapangko ang mahaba nitong buhok.

"Oo. Isinama lang ako dito ni Anley." sagot ni Keiran dito.

"Oh! You are friends with Riley." bulalas naman no'ng lalaking kahawig ni Pablo. "Paul Alboran." pakilala nito sabay lahad ng kamay kay Keiran at tinanggap naman nito.

"Keiran Bapima nga pala." pakilala din ni Keiran at binawi agad ang kamay.

"Ashley Mosa at ang ate kong si Hanna Mosa." pakilala ng babaeng nagtanong sa kanya sa sarili at itinuro naman ang kapatid nito na nasa may gilid ng grand piano.

"JC Canela." pakilala naman ng lalaking katabi ni Hanna na derektang umupo sa may grand piano.

May dumating na limang katao na kumaway ng mga nasa stage.

"Mga kasamahan din namin sila dito. Yung may sukbit na gitara ay si Julio Eguia, si Gil Espinoza yung nasa gitna tapos yung nasa likod ni Gil ay si Jesus Alberto Rosas. At yung panghuli ay ang magkapatid na Joy at Eduardo Uecke." hayag ni Ashley kay Keiran.

"Matagal na kayo dito?" tanong ulit ni Keiran kay Ashley.

"Taong 2002 kami, tapos sina Julio 2005, ang magkapatid na Uecke 2006 tapos si Paul 2010 sya."

"So matagal nyo na palang kilala ang angkan nina Anley."

"Medyo lang ang pagkakakilala namin sa kanila. Salit-salitan kami kapag tumutugtog dito dahil may mga sarili din naman kasi kaming ginagawa."

"But you love what you are doing." bulalas ni Keiran.

"I won't deny that fact honestly." sang-ayon ni Ashley.

Biglang tinawag ni Anley si Keiran at nagpaalam ito kina Ashley at nilapitan si Anley.

Nagsibaba ng stage sina JC at umakyat ang magkapatid na Uecke sa stage. Pumwesto si Joy sa harap ng microphone habang may hawak itong gitara at sa may grand piano si Eduardo pumwesto. Naupo naman ang mga kasamahan ng dalawa sa nakalaang upuan ng mga ito.

Magbibigay ang bawat isa sa kanila ng choice of song for practice bago sumalang mamaya sa stage. Joy strums her guitar while Eduardo plays the keys of the piano at nagsimula ang kanta.

Tu y yo, suena algo estúpido
Yo loca de atar, tu un poco patán
Dime que no
Vez tras vez, ganaba la inmadurez
No se si fue amor o algo peor
Lo que nos sentecia caer
Dime que no, oh no

 Reux Palma (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon