Capitulo 26: BARKADA REUNION

7 0 0
                                    

KABADO si Reux habang bumibyahe sya patungo sa Kenjie mansion. Marco is with her at ang binata ang pinagmaneho nya sa old Ford ranger habang sya ay nasa may likuran pumwesto ng upo. Sina Reena ay nasa van nakasakay at nakabuntot ang mga ito kina Reux at Marco.

Quarter to ten o'clock ng umaga ng makarating sila sa may gate ng mansyon. Ibinaba ni Reux ang bintana sa may pwesto nya tapos binuksan no'ng nakatukang guard ang malaking gate pagkakita sa kanya. Binigyan ng ngiti ni Reux ang guard at nagpasalamat dito. Pumasok agad sila sa loob hanggang huminto sila sa harap ng mansyon.

Naunang bumaba si Marco. Bumuntong-hininga sandali si Reux bago sumunod kay Marco na bumaba ng sasakyan. Iniluwa naman si Keno mula sa loob at sinalubong sila. Nagsibaba na din sina Reena sa may van. Sinalubong naman ni Chancez ang ama at niyakap ito ng lalaki tapos bumati sa mga Raeston tapos kina Yana at Zen saka lumapit si Keno kay Reux at hinawakan agad nito ang kamay ng babae. And he gives her a kiss on the forehead.

"Welcome po sa Kenjie mansion." bulalas ni Keno habang nakangiti kina Reeva. "Nasa may sala po ang mga elders." dagdag pa ni Keno tapos pinasabay ni Reux sina Reena maliban sa parents ng tatlo at grandparents ng mga ito sa lalaki. Keno let her. Si Reux ang kasabay nina Cupid papasok sa loob.

Naabutan nila na nagkakatuwaan ang mga elders at ang parents at natigil lang ito pagkakita kina Colton. Nagpakita din si Reux at sobrang tuwa sina Sam pagkakita sa babae.

"Hello po." bati ni Reux. "I would like to introduce po pala sa inyo sina Colton, Walker tapos ang magkapatid na Reena at Harley." unang pakilala ni Reux sa mga elders at parents.

"Sabi nitong si Keno kayo yung naging  pamilya nitong si Reux since she became an orphan." bulalas ni Raj Montenegro-Sullivan at kahit may katandaan na ito ay matalas pa rin ang paningin at nanatili ang kagandahan nito.

Akash Singhania ang makulit at medyo may pagkaplayboy dati na naging matino dahil sa kapatid ni Raj but he didn't brought his wife Atkin. Rehan Khan II ang pinsang buong ng kambal na Jam at Raj tapos katabi nito ang asawang si Priya at Trent Sullivan ang asawa ni Raj.

"Mama Raj buddies ko na sila." pagmamalaki pa ni Keno tapos nagtawanan sila at iginaya ito paupo ni Keno sa bakanteng upuan tapos biglang lumabas ang triplets. Nasurpresa ang lahat pagkakita sa tatlo at katabi ng mga ito ang kanilang mga asawa.

"I know the three of you." bulalas ng sabay nina Raj at Trent tapos nakatinginan ang mag-asawa sa isa't isa at ibinaling ulit ang atensyon sa triplets na nasa harapan ng mga ito.

"You know them mom and dad?" tanong ni Yuan sa parents nya at nakakunot-noo naman ito na tila ba may recognition sa itsura ng tatlo na nasa harapan nila.

At biglang sumulpot ang mag-asawang Reeva at Shin na lalong nakasurpresa sa mga elders. Mamimilog ang mga mata ng mga ito pagkakita sa dalawa habang nakangiti lang ang mag-asawa kanila. Sina Yuan at nagtataka naman sa naging reaksyon ng mga elders. Napatayo naman si Raj mula sa kinauupuan at may tumulong luha sa mga mata dito habang papalapit sa mag-asawa pati na rin si Dos Khan. Sinalubong ng yakap ni Reeva si Raj at si Shin kay Dos.

"Bunso." tanging nabulalas ni Raj at humahagulhol ng iyak si Raj habang inaalo ito ni Reeva pati din ito naiyak.

Ang lahat ng elders nagsitayo at nag-group hug sila at napapagitnaan ang mag-asawa. Napaiyak na rin ang mga ito. Pati ang nakatingin sa kanila ay napaiyak na rin. Tapos nagsikalasan ang mga ito pagkatapos. Nakangiting nakamasid si Reux katabi si Keno. Dahil marami pang pag-uusapan at ikukwento at iginiya ang lahat patungo sa conference room para magkasya lahat. Pinapwesto talaga sa may harapan ang mga elders tapos magkaharap ang angkan ng Montenegro at Raeston.

"Reeva Jacobs Raeston." panimula ni Raj. "It's been decades since the very last time na naging buong tayo. Ikaw, ako, si Rehan, si Trent, si Priya, si Akash at si Jam." she added.

 Reux Palma (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon