Capitulo 24: OSS & FD

6 0 0
                                    

ARNHEM, Netherlands ang unang lugar kung saan magkikita ulit sina Reux. Imbes na no'ng nakaraang linggo dapat ang punta nila dito ay na postpone ngayon araw ng martes.

Sa mess hall sila nag-umpukang lahat. Ang mag-asawang Reeva at Shin Raeston ang present. Maagang nagsidatingan sina Keiran at nakapwesto na ang mga ito sa may unahang bahagi ng malaking round table.

Nakapwesto sa may harap ang mag-asawang Raeston at may sariling mesa ang dalawa. Magkahilera sina Morgan, Reem, Carson, Fire, Haze, Keiran, Seth tapos may dalawang bakanteng upuan ang nakapagitan sa kanila ni J at bakante na ulit ang sa kaliwang bahagi ng babae.

Wala pa si Reux tapos naghintay pa sila ng ilang sandali. Bumukas ang pinto at iniluwa ang kung sino. Hindi si Reux ang dumating kundi sina Zaky, Marco tapos si Azper na ikinasupresa ng lahat maliban nga lang sa mag-asawang Raeston at ni J. Sa may kaliwang bahagi naupo ang tatlong bagong dating at walang pumwesto sa dalawang bakanteng upuan.

Tahimik lang yung tatlong bagong dating. Kay J tumabi si Marco tapos si Zaky at si Azper.

"Si tia Reux?" tanong ni Marco kay J. Maayos na ang binata pero may konting galos pa rin ang nakabahid sa mukha nito.

Si Marco pati sina Reux, J, Traj Finn, ang pamilyar Raeston, si Nick, si Zaky pati ang S22 na nakakakilala Kay Priyanka ay nagluluksa pa rin sa pagkawala dito. Ang OSS Brazil ay parang naparalisa sa pagkawala ng ina ni Marco. They might be fine outside pero yung nasa loob nila ay pilit nilang itinatago.

"Wala pa sila at mas nauna pa nga kayong tatlo." sagot ni J dito. Tumunog ang message tone ni Marco. Kinuha nito ang phone sa kanyang bulsa tapos binasa ang text na natanggap.

"Nagtext po si tia Reux. Magsimula na po daw tayo dahil medyo matatagalan sila ng kasama nya papunta dito. May konting aberya po daw kasi." anunsyo ni Marco sa mag-asawang Raeston.

"Thank you for that Marco." nakangiting tugon ni Reeva sa binata. "So nandito tayo para i-anunsyo sa inyong lahat sa naging desisyon ng Empress. Pero mamaya na muna yan." hayag ni Reeva. "May bagong kalakaran ang HQ nyo. Si Emperor na ang may full authority sa main headquarters. Six rules and regulations pa rin." dagdag pa ni Reeva.

Gulat ang bumadha sa mukha nina Keiran which they never expected na mapapalitan si Reux sa pamamahala ng babaeng Raeston patungkol sa isang Emperor at ang hahalili sa lahat ng pamamalakad ng buong HQ.

At sa parti nina J which is inaasahan na nila dahil pinahayag na ni Reux sa kanila kung ano ang balak nya.

Reux will still have a communication in OSS main katulad ng sa kung ano ang set-up nito sa Traj Finn at S22.

"The very last rule has been change. Personal matters and information of the very high position individual must be out of the line from the employees working under him or her." hayag ni Shin Raeston.

"Our sons and grandchildren already told you the very first things that you have to know first. So we are here to announce that Lavender, Morris, Carter, Reese, Sean, Cathari and Haze are already an Esquire as of yesterday. And we have here is Azure and Zaire. Justice is working under Emperor pati yung kasama ni Reux." pagpapahayag ni Reeva. "Azure will handle Lavender, Morris and Sean while Zaire will handle the rest which is you Carter, Haze and Cathari. And there is a provision you need all to do as being told by your specific handlers." she added.

"Paano po pala yung tungkol sa kasama ni tia Reux?" tanong ni Marco sa mag-asawa.

"He is still mourning for the lost of her sister." bulalas ni J.

"And I am still mourning from the lost of my mother." bulalas ni Marco na parang wala lang sina Keiran. His voice turn cold after spilling it out.

"So are we Marco." sang-ayon ni Shin at may dumaang lungkot sa mga mata nito. "She's a wonderful woman. Reux never get wrong on letting her be the Goddess of Brazil." he added.

 Reux Palma (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon