Capitulo 15: The Video

13 1 0
                                    

Ginising ni J si Keno na mahimbing na natutulog sa may study table ni Reux. Nagising naman agad ang lalaki. Kinusot pa nito ang mga mata at napatuwid ng upo ito nang makitang si J ang gumising sa kanya. Tumayo ng maayos si J.

"May problema ba?" tanong nito sa babae at napahikab ito. Tumayo si Keno at umatras naman si J. Seryoso itong nakatingin sa lalaki.

"Si Reux kamusta?" tanong naman ni J kay Keno.

"She's doing fine at tsaka bumaba na ang lagnat nya." sagot ni Keno.

"Siguro nga Keno." sang-ayon pa ni J dito. "So kaya pala wala na sya sa kama nya." she added.

"Tama ka J. Wala na nga sya sa kama nya. Wait -- WHAT?!" at tumingin sya sa kama ni Reux at wala nga ito doon tapos bumaling kay J. At bigla syang nag-alala dito.

"Kung hindi pa ako bumalik dito eh sa malamang mahimbing pa rin ang tulog mo dyan at hindi mo alam na wala na si Reux sa kama nya." seems Justice is blaming her kung bakit wala na si Reux sa sariling higaan nito.

"Shit!" napamura tuloy si Keno.

Mabilis nyang hinagilap sa kanyang bulsa ang kanyang phone at mabilisang tinawagan si Anrie. Two rings at sinagot agad ang tawag nya.

"We're having dinner. Bakit napatawag ka?" Anrie ask him and her tone is a bit sarcastic talaga.

"Umalis si Brie." he told his cousin Anrie Duhamel.

"She is old enough to take care of herself Keno. She's Empress for nothing. Kung umalis man sya eh baka babalik din yun. Bye." at binabaan agad sya ng pinsan.

"Nasa mother mo ang anak nyo." hayag ni J na ikinaharap ng lalaki dito.

"Paano napunta si Chancez do'n?" tanong ni Keno dito.

"Wala ni isa sa amin so malamang si Reux. And I check the house habang kausap mo yung pinsan mo sa phone and I found out na tinanggal ni Reux ang bulletproof shield." sagot ni J. "And I use this." sabay pakita nito sa hawak na tablet na tinupi ng tatlong beses hanggang sa naging kasinglaki ng isang keypad phone at isinilid sa may bulsa.

"Can we track her?" tanong ulit ni Keno dito ng papalabas na sila ng kwarto ni Reux tapos isinara nito ang pinto.

"Hawak ni Chancez ang phone ni Reux na may tracker." sagot ni J.

Napatigil sila sa may sala ng makarining ng mga kaluskos sa labas ng bahay. Bumunot si Keno ng baril na nakasukbit sa kanyang tagiliran.

Pinaakyat nya si J at sumunod naman ang babae at nagpaiwan naman sa baba si Keno. Pumasok si loob ng kwarto ni Reux si J. She press a button from the wall at lumabas yung mga gamit ni Reux.

Naririnig nya ang palitan ng putukan sa labas ng kwarto. Kinuha nya yung imbensyon nilang dalawa ni Reux na sniper rifle at bala pati na rin handgun na nakalagay na sa holsters.

May pinindot sya na isang button na camouflage at namatay ang ilaw. Ibinalik nya sa dati ang hitsura ng kwarto at lumabas ng kwarto.

Madilim na madilim ang paligid pero inihagis ni J yung sniper rifle sa ere at naging drone ito tapos ay kinuha nya ang tablet sa kanyang bulsa at binuhay ito. She press a green button at nakita nya sa kanyang tablet kung saan nakapwesto si Keno.

Nasa may likod ng malaking couch nito. May tracker ang phone ng lalaki na konektado sa tablet nya. Mabilis nyang pinuntahan ang lalaki. At mabilis namang nakatutok ang lalaki sa kanya.

"It's just me Captain." bulalas ni J. Hinihingal ang lalaki at ibinaba nito ang baril. May pinindot namang button na kulay dilaw si J at umilaw ang sala.

 Reux Palma (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon