WALA
Anong magagawa ko? WALA.
Isang salitang napakasakit na pakinggan, basahin at isulat.
Salitang kalianmay di ko nanaisin na marinig at sabihin sa akin
Ngunit tila ay mapagbiro ang mundo
Kung ano nga ang pinaka-ayaw mo
Sya naman ipaparanas sayo.
Ilang buwan din akong nahumaling sayo
Sa ngiti mong umaabot sa iyong mga mata.
Sa mga panahon na tayo ay nagkakasalubong, nagkakausap at nagkikita.
Mga palitan ng salita, ngiti at pati na rin pighati.
Mga panahong pinaniniwala ang sarili sa imposibleng mangyari.
At ngayon? Anong magagawa ko? WALA.
Wala akong magawa sa tuwing kayo'y magkasama
Nagtatawanan, nagyayakapan at naglalambingan.
Minsa'y napadaan ako sa inyong harapan
Upang tingnan ang mga mukha nyong kita ang kasiyahan
Sinubukan kong ngumiti
Ngunit ito ay napalitan ng ngiwi
Ng hindi mo ako pansinin
at bagkus ay trinato na parang hangin.
Pinaniwala ko ang sarili ko na ayos lang.
Pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ako nasaktan.
Pinaniwala ko ang sarili ko na wala akong karapatang masaktan
Sapagkat hindi ka naman nagbigay ng dahilan
upang ito ay aking maramdaman.
Pero patawad ngunit nais kong sabihin na masakit.
Masakit sapagkat ang hirap tanggapin
na ikaw ay nakangiti ng hindi dahil sa akin.
Masakit sapagkat alam kong ginawa ko ang lahat
ngunit hindi parin pala sapat.
Masakit sapagkat wala akong magawa upang mapigilan ang masaktan
Wala akong magawa kundi tumunganga at isulat ang aking nararamdaman.
Wala akong magawa kundi tingnan ang inyong mga litrato sa social media
Mga palitan ng salita, tweets, comments at kasali narin ang HAHAHA.
Anong magagawa ko? WALA.
Wala akong magawa kahit gustuhin ko man.
Pilit ko nalang lulunukin ang pait sa aking kalamnan
Susubukang ibalik ang luha sa kanyang pinanggalingan.
Ipipikit ang mata upang hindi na masaktan.
Wala akong magawa kundi isulat ang nadarama.
At aasa na baling araw ito ay iyong mababasa.
Upang malaman mo na may taong nagmahal sayo.
Kahit na may minamahal ka ng buong puso.